Facebook

Pagpapalawig sa State of Public Health Emergency, State of Calamity suportado ni Bong Go

Inihayag ni Senador Christopher “Bong” Go na suportado niya ang balak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na palawigin ang State of Public Health Emergency at State of Calamity bilang tugon sa COVID-19 pandemic upang masustina ang mga pagsisikap ng bansa na malampasan ang pandaigdigang krisis at iba pang umuusbong na banta sa kalusugan.

Sinabi ni Go na ikinagagalak niya ang balitang plano ng Pangulo na palawigin hanggang sa katapusan ng taon ang State of Public Health Emergency sa bansa. Isinasaalang-alang din umano ng PBBM administration ang ektensyon din ng State of Calamity na magtatapos sa Setyembre 12, 2022.

“Once extended, hopefully, this will allow the government to continue to procure vaccines under emergency use authorizations or EUA and impose price controls on select basic commodities,” sabi ni Go.

Dagdag ng senador, ang ektensyon sa State of Calamity ay magpapalawig din sa bisa ng Republic Act No. 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.

Ang batas na co-authored at co-sponsored ni Go, ay nagpapahintulot sa private sector at local government units na tumulong sa pagsasagawa ng national COVID-19 vaccination program, bukod sa iba pa.

Unang inilagay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Pilipinas sa state of public emergency noong Marso 8, 2020 nang iulat ng Department of Health ang unang local COVID-19 transmission.

Ang deklarasyon ay patuloy na magiging “in force and effect” ayon sa proklamasyon hanggang sa ito ay bawiin o alisin ng Pangulo.

Isinailalim din ng dating Pangulo ang bansa sa state of calamity noong Marso 16, 2020 sa loob ng anim na buwan. Ang proklamasyon ay pinalawig noong Setyembre 2020 para sa isa pang taon, at pagkatapos ay muli noong Setyembre 2021.

Ang state of calamity ay nagpapahintulot sa gobyerno, gayundin sa mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng COVID-19 vaccination program, dagdagan ang mga pondo para sa pagtugon sa pandemya, subaybayan at kontrolin ang mga presyo ng mga pangunahing pangangailangan at pangunahing bilihin, at magbigay ng mga pangunahing serbisyo sa mga apektadong populasyon.

Maaaring bawiin o mawalan ng bisa ang compassionate special permits at emergency use authorization para sa COVID-19 vaccines ng Food and Drug Administration kung ang deklarasyon ay aalisin.

Samantala, patuloy na hinihikayat ni Go ang mga Pilipino na lumahok sa programa ng pagbabakuna ng gobyerno upang mas maprotektahan ang kanilang sarili mula sa COVID-19 at mapanatili ang paggaling ng bansa mula sa pandemya.

“Patuloy kong hinihimok ang ating mga kababayang nag-aalangan pa na magpaturok na ng booster shots para sa dagdag na proteksyon laban sa COVID-19,” ani Go.

“Bakuna ang tanging solusyon ngayon para malampasan ang pandemyang ito,” idiniin ng senador.

“Bilang chair ng Senate committee on health, suportado ko ang mga hakbang ng gobyerno upang maproteksyonan ang kapakanan at kalusugan ng ating mga kababayan, dahil pinakamahalaga sa lahat ang buhay ng mga Pilipino,” ayon kay Go.

The post Pagpapalawig sa State of Public Health Emergency, State of Calamity suportado ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagpapalawig sa State of Public Health Emergency, State of Calamity suportado ni Bong Go Pagpapalawig sa State of Public Health Emergency, State of Calamity suportado ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Agosto 20, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.