Facebook

Panukalang gawing ‘Nat’l Heritage Zone’ ang Quiapo, suportado ni Mayor Honey

BUO ang suporta ni Manila Mayor Honey Lacuna sa panukalang gawing ‘Nat’l Heritage Zone.’ ang Quiapo

Sa ilalim ng House Bill 3750, na inihain sa Kongreso ni 3rd District Rep. Joel Chua, sasakupin ng naturang zone ang Quiapo Church, Plaza Miranda, San Sebastian Church at Plaza del Carmen.

Layunin rin nitong maibalik ang dating ganda ng mga imprastraktura sa mga naturang lugar, maipreseba ang kultura doon at maisailalim sa rehabilitasyon ang buong komunidad.

Kumpiyansa si Chua, na isang batang Quiapo, na ang panukala ay makatutulong, hindi lamang sa paglikha ng trabaho, kundi upang mapataas pa ang reputasyon ng lungsod sa Pilipinas at sa buong mundo.

Suportado naman ni Mayor Honey ang panukala, lalo na at wala namang gagastusin dito ang lungsod.

Ayon sa alkalde, nais niyang muling sumigla ang Quiapo, na kilala sa mga pamosong native goods doon, upang dayuhing muli ng mga foreign at local tourists, na magiging malaking tulong sa pag-unlad ng lungsod.

Sinabi pa ni Lacuna na tumutulong na rin ang Department of Tourism, sa pamumuno ni Charlie Dungo, sa pagdidisenyo ng bagong zone. (ANDI GARCIA)

The post Panukalang gawing ‘Nat’l Heritage Zone’ ang Quiapo, suportado ni Mayor Honey appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Panukalang gawing ‘Nat’l Heritage Zone’ ang Quiapo, suportado ni Mayor Honey Panukalang gawing ‘Nat’l Heritage Zone’ ang Quiapo, suportado ni Mayor Honey Reviewed by misfitgympal on Agosto 20, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.