ISA na namang pinaka-mataas na opisyal ng Amerika ang nag-stop over dito sa Pinas para lamang sabihin kay Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) na sila ay talaga nating mga kaibigan.
Ito ay sa kabila ng gusot ngayon sa pagitan ng bansang Tsina at Taiwan na may kaugnayan din ang Amerika. Kabilang na din ang masalimuot na usaping pangkaragatan sa pagitan naman natin at ng China.
Dumating at humarap noong Sabado kay PBBM si Secretary of State Antony Blinken, di lamang para talakayin ang mga isyung nabanggit, kung di siguraduhin ang katapatan bilang isang kaibigan ng Pilipinas ang bansang Amerika.
Ika nga, sa madaling sabi, ang nais iparating ni Bliken kay PBBM ay di iiwan ni Uncle Sam ang Pinas, anuman ang mangyari.
Iginiit nito ang matagal nang kasunduan ng dalawang bansa, sa larangan man ng ekonomiya o seguridad.
Ito raw, ayon kay Bliken ang pinaka-importante sa pagkakaibigan natin sa kanila.
Ang dekada nang kasunduan o Mutual Defense Treaty (MDT) na ito, ang pinanghahawakan ng Amerika na tupadin ang mga nakasaad dito, kabilang na ang protektahan ang bawat Filipino sa anumang maaaring mangyaring kaguluhan.
Sandal sa pader, kung atin ngang maituturing. Ngunit tayo ay may dapat din sundin sa MDT. Kung baga sa magkapartner, bawat isa ay may tungkulin at pagpapahalaga sa kanyang partner.
Kailangan din kumiling at magbigay proteksiyon ang ating bansa sa Amerika. Tulad na lang ng mga pangyayari sa ngayon sa pagitan ng China at Taiwan. Kung ang US ay may ipinakitang interes na tulungan ang Taiwan, dapat ay ganun din ang ating ipakita.
Paano natin gagawin ito? Kaibigan din natin ang China. Anuman ang dapat, doon pa rin ako sa binitawang salita ni PBBM. Na ang Pilipinas ay kaibigan ng lahat at hindi magiging kaaway nino man.
The post CHINA MAN O TAIWAN, DI TAYO IIWAN NI UNCLE SAM appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: