Facebook

Overpriced laptops ng DepEd pinabulaanan

Tila ang daming gustong makisawsaw sa isyu ng Overpriced laptops na inangkat para sa gagawing pamamahagi ng Department of Education (DepEd) sa mga teachers.

Hindi naman natin pwedeng pakialaman diba mga Ka Usapang HAUZ ang nais ng isang mamamayan na magingay para malaman ang katotohanan, tulad na lang ng umano’y gagawing pagsakay sa issue ng ilang miyembro ng Makabayan block hinggil sa “overpriced” laptops mula sa tanggapan ng DepEd.

Meron naman nagsasabi mga Ka Usapang HAUZ na nais lang ng Makabayan block mula sa mababang kapulungan na iganti ang kanilang kandidato na tinalo ng kasalukuyang Secretary ng DepEd Vice President Inday Sara Duterte nitong nagdaang eleksiyon bilang VP. wag naman sana isyu kung isyu walang halong politika.

Maging si Senator Koko Pimentel na alam naman nating dating kaalyado ng Pangulong Rodrigo Duterte ay umano’y makikisimpatya rin sa Makabayan block sa gagawing pagiimbistiga sa sinasabing overpriced laptops, sabagay trabaho nya yan bilang senador at huwag naman sanang isali ang pagkaka sibak niya bilang pinuno ng PDP Laban.

Baka kung saan na mapunta at malayo sa usapang overpriced laptop na alam nyo ba mga Ka Usapang HAUZ na sapilitang idinidikit sa pangalan ni VP Inday Sara ang issue na ginawa lamang ng malisyosong interpretation ang Audit Observation Memorandum bilang 2022-08 (2021) na nilabas nung April 27, 2022.

Taliwas sa nilabas na balita, hindi overpriced at sumunod sa specifications ng PS-DBM ang P2.4 bilyon na halaga laptop na para sa mga teachers ng DepEd.

Ayon sa news release ng joint venture of Sunwest Construction and Development Corporation (SCDC) at LDLA Marketing & Trading, Inc. (LDLA) na nag-supply ng laptop: “The group said the laptop sets are priced competitively based on the required specifications taking into account the cost of the unit, peripherals, software, commercial grade durability, comprehensive 36-months warranty and technical support anywhere in the Philippines, including nationwide delivery and other add-ons. This also includes customization of the items/units as required by DepEd. “The public should also note that the Dell Latitude 3420 laptops delivered to the government were custom-built direct from the factory and according to the requirements needed by DepEd and therefore cannot be easily equated to a regular off-the-shelf consumer unit. It is inaccurate and unfair to say that the offered price is for the laptops alone,” ayan mga Ka Usapang HAUZ ang naging pahayag.

Sana mabasa ng publiko ang AOM ng COA sa DepEd Laptop para makitang ang COA pa mismo ang namimilit lagyan ng obsolete na processor ang mga laptop kesa sa pinakabago’t mas mabilis na processor.

Bukod pa diyan sa maling unawa ng COA sa ballistic nylon na laptop bag sa mas matibay na polyester na laptop bag.

Tila parang nag-hang ang utak ng COA sa Microsoft Software licensing ng Dell at pilit na pinapa specify ang model ng computer kung saan ika-karga ang Microsoft Software.

Sana naman ang lahat ng nais sumawsaw sa issue ay purely pagmamalasakit sa Bansa ang nais at hindi iyong may halong pagganti sa pagkatalo ng kanilang kandidato nitong nagdaang eleksiyon.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036

The post Overpriced laptops ng DepEd pinabulaanan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Overpriced laptops ng DepEd pinabulaanan Overpriced laptops ng DepEd pinabulaanan Reviewed by misfitgympal on Agosto 17, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.