Facebook

SUGAR SMUGGLING KING “JOSEPH YAO”, UNTOUCHABLE!

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang asukal dahil sa isyu ng 300,000 metric tons ng sugar na biglang nagkaroon ng resolution sa pag-angkat nito sa ibang bansa na pirmado ng isang mataas na opisyal ng Department of Agriculture.

Nguni’t hindi natuloy ang sugar importation matapos harangin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos (PBBM) kasunod ng utos na imbestigahan ang pagpapalabas ng resolution dahil puno umano sa iregularidad. Kinuwestiyon ng Malacañang ang naturang resolution na pirmado ni DA Undersecretary Leocadio Sebastian.

Lumalabas na hindi naipaalam sa Pangulo ang nilalaman ng resolution – ang pag-angkat ng tone-tenoladang asukal sa ibang bansa na siyang dapat maging tamang proseso ayon sa polisya ng ahensya at ng gobyerno.

Pero bago pa man masimulan ang imbestigasyon, ay nagsumite na ng resignation letter sina Sebastian sa opisina ng Pangulo.

Bukod kay Sebastian, ang iba pang head ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ay nagbitiw na rin sa puwesto.

Sa ganang atin, hindi dapat huminto ang pangulo sa pagsilip sa nangyayaring kabalbalan sa may katagalan nang iniuulat na nangyayaring sugar smuggling.

Hindi kasi mangyayari ang smuggling o katiwalian sa importation ng asukal kung walang kutsabahan sa pagitan ng mga tiwaling government official, partikular ang mga taga DA at mga tusong negosyante ng asukal.

Napakatagal na ang nangyayaring kalokohan sa sugar importation, pero ngayon lang na ang pangulo na ay si BBM unti-unting nabubulatlat ang katotohanan sa likod ng sabwatan sa sugar importation na punong-puno ng kotongan, lagayan at katiwalian.

Nagsimula ang kalokohan sa maanomalyang pagbibigay ng import permit sa mga kakutsabang negosyante at ng ilang mga korap na DA official, kapalit siyempre ng milyon-milyong padulas o lagay sa kanila ng mga financier ng sugar importation.

Isa sa notorious at sinasabing untouchable na sugar smuggler na kung tawagin din ay “Sugar Smuggling King” ay isang nagngangalang alias JOSEPH YAO na ang sentro ng aktibidad ay ang Bureau of Customs (BOC), Manila at ilan pang port sa iba- ibang lugar sa bansa.

Matindi ang koneksyon ni YAO sa mga sangay ng gobyerno lalo na sa DA at BOC, kung kayat ang kanyang smuggling activity ay hindi nakakanti, bagkus pinoprotektahan pa ng kanyang bayaran at korap na mga opisyales ng pamahalaan.

Lahat na importasyon ng asukal ni YAO, kundi undervalued ay misdeclared, ilan pa lamang sa paraan ng pandaraya na di naayon sa Customs and Tariff Code dahil niloloko at dinadaya ang gobyerno sa dapat sanang angkop na buwis na makukuha ng pamahalaan mula sa mga importer na tulad ni alias Joseph Yao.

Akalain ba namang kung halimbawa ay 100 libong tolenadang asukal ang naangkat mula sa ibang bansa, pagdaan sa Adwana ay napapalitaw ito na 30 libong tonelada lamang ang inangkat nitong si alias Joseph Yao, mantakin naman mga KASIKRETA kung gaano napapaglalangan ng damuho at ganid na Intsik na ito ang gobyerno ng Pilipinas?

Isipin na lang natin ang pinaggagawa nitong hinayupak na si alias Joseph Yao na sa halip na ang mga nakakarga sa kanyang container van sa mga barko ay daan-daang libong tonelada ng imported na asukal ay napaliltaw din ni alias Joseph Yao na muebles o kaya ay hindi taxable item ang kanyang kargamento?

Marami pang ibang taktika si alias Joseph Yao para kumita ng limpak-limpak na salapi habang patuloy namang namumulubi ang ating bansa sanhi ng kakatiting lamang na buwis na naiilak ng dapat ay pangunahing revenue generating agency ng ating pamahalaan at ito nga ay ang BOC.

Hindi pala iilan lamang ang magnanakaw sa tanggapan ng BOC kundi napakarami pagkat patuloy pa rin na naikakanlong ang operasyon ng numerong unong sugar smuggler ng bansa sa katauhan nga ng pinaka-ganid sa dilang ganid na si alias Joseph Yao!

Sa unang araw pa lamang ng pagluklok sa kanyang puwesto bilang Commissioner ng BOC ay ipinangako ni Yogi Ruiz na kakalusin nito ang sagad sa butong korapsyon sa Adwana.

Tingnan lang natin kung uubra ang kanyang mariing babala laban sa mga korap sa BOC, lalo na ang mga kasapakat ni “Sugar Smuggling King”, alias Josep Yao!

PROTEKTOR NG KOLORUM VAN, SIBAKIN!
SIR Cris, yan pong mandato ng DOTr o ipinag-uutos ni PBBM para sa kaligtasan ng mga mananakay ay simpleng-simple at madali sanang ipatupad ng mga awtoridad kung totoong inaatasan nga ang mga tulad ng PNP Higway Patrol Group, LTO flying squad at iba pang law enforcer para magkaroon ng makatotohang anti-clourom drive.Di po mamamayagpag ang operasyon ng kolurom van kung walang protektor at kolekta ang mga yan? Subukan ni PBBM na sibakin, palitang lahat ang mga sangkot sa mga katarantaduhan tiyak na mawawala lahat yan.Gayon lang kasimple, di ba? Hangga;t sila ang nasa pwesto tuloy lang ang payola at kotongan. Kelangan pa bang imemolrize yan? Nakakasawa na! ( Mensahe ni JUAN PO).

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.

The post SUGAR SMUGGLING KING “JOSEPH YAO”, UNTOUCHABLE! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SUGAR SMUGGLING KING “JOSEPH YAO”, UNTOUCHABLE! SUGAR SMUGGLING KING “JOSEPH YAO”, UNTOUCHABLE! Reviewed by misfitgympal on Agosto 17, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.