Facebook

COPA Reunion Swim Challenge sa RMSC

MAGPAPATULOY ang Congress of Philippine Aquatics, Inc (COPA) sa pagtuklas ng mga bagong swimming stars sa paglarga ng 2nd leg ng Reunion Swim Challenge ngayong weekend sa bagong-gawang Teofilo Ildefonso Swimming Pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Humigit-kumulang 500 batang swimmers mula sa iba’t ibang swimming club sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na lalawigan ang kumpirmadong lalahok sa dalawang araw na kompetisyon bilang bahagi ng programa at aktibidad ng COPA para sa natitirang dalawang quarter ng 2022.

“The pandemic really hurts all sports activities, particularly swimming. For the past two years, talagang nasa bahay lang ang mga bata, Yung mga coaches at trainors natin nawalan ng hanap-buhay. But we save the best for last as COPA is back in organizing competitions not only for our affiliated club members but for everyone,” pahayag ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain, bumuo sa COPA kasama ang mga swimming buddies na sina Chito Rivera, Darren Evangelista, Joel Esquivel at Richard Luna may dalawang taon na ang nakalilipas.

“Regardless of your affiliation COPA welcomes everybody to join. Sama-sama nating ibangon ang sports na mahal natin,” sambit ng swimming icon na hangaring pag-isahin ang swimming community.

Sa ngayon, ang COPA ay miyembrong 200 koponan/club sa 11 cluster ng 17 rehiyon ng kapuluan. Mayroon itong 300 coach at kabuuang miyembro (swimmers) na 3,500. Inaasahang tataas ang bilang sa pakikipagtulungan ng FINIS Philippines at sa Swim League Philippines (SLP), isa pang aktibong grupo sa grassroots sports development.

“It’s a welcome development, I already talked with FINIS managing director Vince Garcia for program collaboration and we’re inviting SLP to join us for future projects. Iisa lang naman ang hangarin natin para sa swimming,” dagdag ni Buhain.

Upang matiyak ang kaligtasan para sa mga kalahok, sinabi ni Buhain na nagpasya ang COPA na hatiin ang mga manlalangoy sa dalawang maliliit na grupo – ang mga lalaki lamang ang lalangoy ngayong Sabado at lahat ng mga babae sa Linggo – at lahat ay dapat ding sumailalim sa COVID-19 Antigen Testing na libre sa venue.

Bukod sa Reunion Swim Challenge, itinakda rin ng COPA ang 1st Novice Swim Championship sa Setyembre 17-18; ang Reunion 3rd leg sa Oktubre 1-2; ang Reunion Swim Challenge Championship sa Oktubre 22-23; ang Sprint meet sa pagpapakilala ng SKINS Swim event (Nob. 12-13); at Short Course Yuletide Swimming Championship (Dis. 10-11).

The post COPA Reunion Swim Challenge sa RMSC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
COPA Reunion Swim Challenge sa RMSC COPA Reunion Swim Challenge sa RMSC Reviewed by misfitgympal on Agosto 26, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.