Facebook

Obiena 3rd place sa Lausanne Diamond League

NAGTAPOS sa third place finish si EJ Obiena sa Wanda Diamond League sa Lausanne Huwebes (Biyernes ng umaga sa Manila).

Laban sa world record holder Mondo Duplantis, nasungkit ni Obiena ang last spot sa podium na may best clearance na 5.80 meters sa paligsahan.

Nalundag ni Duplantis ang bagong meet record na 6.10 meters sa kanyang ikatlong pagsubok.

Pumangalawa si Christopher Nilsen ng USA na nangailangan lang ng isang pagsubok para malundag ang 5.80m. habang si Obiena ay kailangan ng dalawang pagsubok.

Parehong nabigo sina Nilsen at Obiena sa kanilang ikatlong attempts sa 5.90 para mapunta kay Duplantis ang top spot.

Patuloy ang paglahok ng Filipino pool vaulter sa mga tournament kung saan sasabak siya sa True Athletics Classics sa Leverkusen,Germany sa Linggo, August 28.

May limang tournament pa ang nakapila na sasalihan ni Obiena pagkatapos sa Switzerland hanggang sa kalagitnaan ng Setyembre.

Ang World Athletics Championship bronze medalist ay ibinalik sa Philippine national team kamakailan.

The post Obiena 3rd place sa Lausanne Diamond League appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Obiena 3rd place sa Lausanne Diamond League Obiena 3rd place sa Lausanne Diamond League Reviewed by misfitgympal on Agosto 26, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.