Facebook

Philippine spikers pasok sa AVC Cup quarterfinals

UMUSAD na sa quarterfinals ang Philippine women’s volleyball team matapos walisin ang batang South Korea squad sa nagpapatuloy na AVC Cup womens 2022.

Dinomina ng Philippine Spikers ang laro 25-18, 25-13 at 25-17 na ginanap sa PhilSports Arena sa Pasig, City.

Hindi na pinaporma ng Philippine Womens’ volleyball team ang mga South Korean players na karamihan ay mga high school players na may average na 17-anyos.

Tumagal ang laro ng isang oras at 26 minutes kung saan nalampasan ng Philippine women’s volleyball team ang pangsiyam na puwesto sa nasabing tournament noong 2018.

Dahil dito ay mayroon ng dalawang panalo at dalawang talo sa Pool A.

Makakaharap nila sa knockout quarterfinal match sa Pool B number 2 ang Thailand na mayroong 2-1 record sa laro na gaganapin sa Biyernes Agosto 27.

The post Philippine spikers pasok sa AVC Cup quarterfinals appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Philippine spikers pasok sa AVC Cup quarterfinals Philippine spikers pasok sa AVC Cup quarterfinals Reviewed by misfitgympal on Agosto 26, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.