Facebook

LGUs para sa distribusyon ng educ assistance ng DSWD, ikinatuwa ni Mayor Honey

IKINATUWA ni MANILA Mayor Honey Lacuna ang desisyon na ibigay sa local government units (LGUs) ang distribusyon ng education assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at nagpahayag din ito ng kagustuhang tumulong.

“Anumang programa ay lagi naman welcome dahil napakalaking tulong sa mamamayan. Sana lang po, i-coordinate ninyo sa LGUs para alam namin saan ninyo ginagawa at magpapadala kami ng makakatulong para di magkagulo,” sabi ni Lacuna patungkol sa lahat ng government at non-government entities na nagnanais na tumulong sa lahat ng Manileño.

Ayon kay Lacuna, ang city government ng Maynila ay masayang tutulong basta may tamang advisory, lalo na kung ang gawain ay makakatulong sa mga residente ng lungsod.

“Para malaman namin at makatulong kami. Kasi wala kaming abiso kaya di namin kayo matulungan. Hindi sa di namin gusto, di po namin alam,” ayon pa kay Lacuna, patungkol naman sa distribution event sa lungsod kung saan dinadagsa ng mga tao.

Tiniyan ni Lacuna na ang Manila department of social welfare na pinamumunuan ni Re Fugoso ay na-master na ang sistema para sa mabilis at maayos na distribusyon ng lahat ng uri ng assistance.

Noong kasagsagan ng pandemya, sinabi ni Lacuna na ang team ni Fugoso ay nakagawa ng paraan na napatunayang epektibo sa pamimigay sa mga lehitimong residente ng cash aid mula sa national government.

Sa mga ganitong kaso, kinuha ng Manila LGU ang tulong ‘di lamang ng mga kawani ng lungsod kundi ng mga opisyal ng barangay. Nabatid na ang MDSW ang siyang nangasiwa ng pamamahagi ng SAP cash assistance noong 2020 at dalawang beses noong 2021 nang walang problema.

Si Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Jr. at DSWD Secretary Erwin Tulfo ay pumasok sa isang Memorandum of Agreement upang matiyak ang maayos at mabilis na pamamahagi ng probisyon para sa Educational Assistance to students-in-crisis bilang bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Ang MOA ay nilagdaan ng dalawang opisyal noong Wednesday Wednesday, August 24, sa DSWD Central Office.

Sa ilalim ng MOA, ang DILG ay tutulong sa DSWD at ang LGUs sa pagbibigay ng on-the-ground human resource support sa mga payout sites, security, health workers at iba pang support manpower, para sa maayos na distribusyon ng education assistance.

Ang DILG ang magkakaloob ng security assistance, sa pamamagitan ng Philippine National Police (PNP), sa mga lugar kung saan gagawin ang distribusyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyanyante, mga magulang, guardians at iba pang beneficiaries.

Tutulong din ito sa paghahanap ng permanenteng lugar na mabuti para sa distribusyon, kabilang na ang multiple distribution centers para sa matataong lugar.

Ang disbursement ng cash assistance ay pangangasiwaan ng DSWD, sabi ni Abalos. (ANDI GARCIA)

The post LGUs para sa distribusyon ng educ assistance ng DSWD, ikinatuwa ni Mayor Honey appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LGUs para sa distribusyon ng educ assistance ng DSWD, ikinatuwa ni Mayor Honey LGUs para sa distribusyon ng educ assistance ng DSWD, ikinatuwa ni Mayor Honey Reviewed by misfitgympal on Agosto 26, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.