Facebook

STRIKE 2 NA NGA BA SI ES VIC RODRIGUEZ?

GINISA ng mga kongresista sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sin dating Department of Agriculture undersecretary Leocadio Sebastian at SRA administrator Hermenegildo Serafica dahil sa kontrobersiyal na Sugar Order No. 4 kung saan tila sinadyang palusutin sa Pangulong Bongbong Marcos ang 300,000 metric tons ng asukal na planong angkatin ng DA at SRA.

Ang mabigat, nilagdaan ni Sebastiyan ang dokumento ng naudlot na importasyon gamit ang pangalan ng Pangulong Marcos Jr. na nabuking naman kaagad.

Inamin ni Sebastian na nilagdaan nito “for and in behalf” of President Bongbong ang kontrobersiyal na Sugar Order No. 4 na lumusot naman sa SRA board makaraan ang isinagawang referendum.

Lumabas na walang-kaalam-alam dito si PBBM.

Malinaw na pinagsusumite lamang ng punong ehekutibo ng sugar importation plan ang DA at ang SRA upang pag-aralan dahil sa mga ulat ng shortage sa supply sa asukal at walang nakalakip dito na kung gaano kadami at kailan ang gagawing importasyon.

Lumabas sa congressional inquiry na maraming protocols at basic requirements ang isina-isang tabi at binalewala nina Sebastian at Serafica.

Sa naging pagdinig naman ng Senado sa isyu ng kontrobersiyal na Sugar Order No. 4 pa rin, kinondena ni Sen. Riza Hontiveroz ang tila pananahimik sa isyu ni Executive Secretary Victor Rodriguez sa nabuking na sugar importation mess.

Sinabi ng senadora na as early as August 5 this year, alam na ni ES Rodriguez ang tungkol sa isinusulong na importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal mula kina former DA Undersecretary Leocadio Sebastian at former SRA Administrator Hermenegildo Serafica ngunit nanatili itong tikom ang bibig at tila sinadyang di pa alam sa kanyang Boss na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.ang hinggil dito.

Ang mga gawing ito ay lihis sa trabaho ni ES Rodriguez being the most trusted man ng Presidente at tumatayong alter ego nito.

Bukod dito, dapat maging matapat na “gatekeeper” itong si Rodriguez na dapat proteksyonan ang Pangulo.

Ngunit salungat ito sa mga natuklasan and short of saying na tila gusto pa nilang palusutan ang PBBM.

Sa mga huling kaganapang ito, malinaw na may “concerted efforts” ang ilang grupo para palabasing may shortage nga sa supply ng asukal at kailangan nga ang ganito kalaking importasyon.

Sa nabuking na diskarte, sapul sa katarantaduhang ito ang matataas na opisyal ng Marcos admin kung saan isa na nga dito ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni PBBM na si ES Rodriguez.

Ang masakit pa nito, mismong si Pangulong Bongbong Marcos Jr. pa ang tumatayong interim Secretary ng Department of Agriculture na nakakasakop sa SRA ngunit nagawa pa ng ilang ulol na opisyal ng Marcos regime ang mga ganito kagarapal na opisyo.

Nasibak na kapwa sina Sebastian at Serafica at inaasahang marami pang ulo ang gugulong.

Ang tanong, umabot kaya kay ES Rodriguez ang liability o sala sa nangyaring ito.

It will remain a 64 dollar question.

Kaya kayang sibakin ni PBBM ang kanyang most trusted man na si Rodriguez?

Strike 2 na umano ito para kay ES Rodriguez sabi ni Sen. Imee Marcos.

Well let’s see.

Antabayanan natin.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post STRIKE 2 NA NGA BA SI ES VIC RODRIGUEZ? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
STRIKE 2 NA NGA BA SI ES VIC RODRIGUEZ? STRIKE 2 NA NGA BA SI ES VIC RODRIGUEZ? Reviewed by misfitgympal on Agosto 26, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.