Ni WALLY PERALTA
MAKALIPAS halos ang 20 taon ay muling yumapak sa bakuran ng Kapuso Network ang isa sa magaling nating aktor na si Dominic Ochoa. Nakilala at sumikat si Dominic bilang isang Kapamilya and this time ay balik-Kapuso na siya.
Isa sa sinasabing dahilan kung bakit naging napakadali kay Dominic na gumawa ng proyekto muli sa GMA-7 ay ang pagkakataon na makasama niya sa serye si Carmina Villarroel.
“I was happy when I was offered this role, natuwa ako kasi nung nalaman kong si Carmina. Actually, nalaman ko pa ito sa wife ko na sana tanggapin ko raw ‘to. Sabi ko ang alin? Wala pang tumatawag sa akin about it. A week after that’s when I got the offer. Ayun natuwa ako, I said yes agad, hindi naman na iba sa akin ang mga makakatrabaho ko. So, I accepted the role, walang hesitation.
“I’m very thankful na katrabaho ko si Carmina now and si Richard Yap at saka ‘yung ibang Kapuso artists,” say ni Dominic.
Ang seryeng “Abot Kamay Na Pangarap”, na bukod kina Richard Yap at Carmina ay makakasama rin nila si Jillian Ward, in her first matured role, Andre Paras, Pinky Amador, Wilma Doesnt, Ariel Villasanta at marami pang iba.
***
SA darating na Agosto 12 ay ipalalabas na sa lahat ng Vivamax Apps ang isa sa maituturing ni Sean de Guzman na challenging role at piniga nang husto ang kanyang akting skill ng award winning direktor na si Louie Ignacio, ang “The Influencer”. Makakasama ni Sean sa pelikula sina Cloe Barreto, Karl Aquino, Calvin Reyes, Elizabeth Oropesa at ang mismong writer ng pelikula na si Quinn Carrillo. Ito ay mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy.
Tulad ng kanyang role sa movie, isa ring social influencer si Sean, medyo naglie-low lang ng kaunti dahil sa dami ng showbiz project.
Inamin din ng young actor na noong kasagsagan ng pandemya ay nasubukan niya rin na maging isang online seller. May nagpapadala sa kanya ng mga produkto kapalit ng kanyang pag-iinfluence.
Sa movie na ‘The Influencer” ay ginawang platform ni Sean ang kanyang pagiging sikat na online seller to the point na lahat ng tsikas na kanyang nakukursanadahan ay kanyang dini-date at tinitikman. Ngayon sa kanyang kasikatan mas dumami ang kanyang mga follower, dumating na kaya sa punto na ginamit niya ang kasikatan para tumalo ng avid followers?
“Ay hindi! Ha ha ha. Ano yan parang ‘chao pan”, yung bang tipong ginagamit ang kasikatan para ‘tumikim’ ng fan,” say ni Sean.
Hindi rin maalis bilang isang lalake na medyo tatablan din siya ng karisma ng mga kababaihan niyang fans.
“Mga 10% lang, hahahaha. Jokingly aside, hindi kasi ako pumapatol sa isang babae na parang ‘ano’ lang, mas gusto ko kasi yung gusto ko rin siya at hindi yung siya lang ang may gusto sa akin. Two ways, ganun,” say pa ni Sean.
The post Dominic inamin, lumipat sa Kapuso dahil kay Carmina appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: