Ni JOVI LLOZA
LABIS na nag-alala ang mga tagahanga ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang post sa socmed nang malaman na nagkasakit at nanghina ang singer actress.
Nangyari ito matapos ang Iconic concert nila ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid
Kuwento ng actress na dapat ay may bonding pa sila ni Regine after ng concert, di na nga nangyari at nagkasakit na ang Megastar.
Kaya after ng concert ay umuwi na agad si Regine dahilan para maiwan si Megastar sa Tate para magpagaling.
Bigla nitong naalala si Regine na di man lang sila nakapag- bonding pero pinasalamatan naman nito nang bonggang-bongga ang Asia’s Songbird na tawag nga niya ay ‘Nana.’
At ang ikinaloka pa ni Megastar ay itong di siya nakalakad at nabaldado.
Pero ibinahagi naman nito na okey na siya di tulad ng dati kaya wag na raw mag-alala pa ang kanyang mga tagahanga.
Samantala, ibinahagi rin nito sa kanyang socmed ang kauna unahang pagkakataon ever na tumaya ito sa lotto at siya mismo ang pumili ng mga numbers.
***
DAMANG- dama ang paglamlam ng career ni Liza Soberano.
As in di lang isa, dalawa or tatlo kungdi maraming nakadama na naglaho na ang ningning ng bituin ni Liza.
Nagsimula raw ang paglamlam ng karera sa showbiz ni Liza nang lumipat ito kay James Ried.
Nag ambisyon ang dalawa para ma-invade ang Hollywood.
Ilan na raw artistang Pinoy ang nag attempt na subukan ang Hollywood pero bigo sila at nagbabalik ulit sa Pinas.
Sana nga raw ay pinag-isipan ni Liza ang paglipat ng mamamahala sa kanyang career.
Kung dati ay naungusan ng tambalang LizQuen, ngayon ay matunog pa rin ang KathNiel na may seryeng magkasama.
Wish na lang ng netizens na makapasok sa Hollywood si Liza na kanyang dream pero tila matatagalan pa ito.
Marami namang nabghinayang sa biglaang pananahimik ng career ni Liza.
Well, well, well… ‘Yun na!
The post Liza lumamlam ang career nang lumipat kay James; Sharon first time tumaya sa lotto appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: