Facebook

Ellen ipatatanggal ang IUD para magkaanak na kay Derek, game na magbabu sa showbiz

Ni JOVI LLOZA

MUKHANG buo na sa desisyon ni Ellen Adarna na tuluyang talikuran at iwan ang showbiz.
Dahil daw ito sa kanyang pamilya.
Okey daw ang mga financial nitong sina Derek Ramsay at Ellen at galing naman sa buena familia ang sexy actress.
Si Derek naman ay di na matutukan ang mga negosyong ipinagtatatayo kaya kumbaga financially stable na ang couple.
Matatandaan na pinatanggal na ni Ellen ang kanyang breast implant.
May tsika na next na niya ipatatanggal ang kanyang IUD.
Gusto na nga raw magkaroon ni Ellen at mabigyan ng anak si Derek.
Knowing Ellen kung gaano ka-hands on sa pag-aalaga kay Elias na anak nito kay John Lloyd Cruz.
***
Tatay ni Arjo at fiance na si Maine, nag-bullyhan
SA pinost ni Sylvia Sanchez na larawan ng kanyang dyunakis na si Arjo Atayde kasama si Maine Mendoza at kanyang mister na si Art Atayde.
Ibinisto kasi ni Ibyang ang pagiging makulit ng kanyang soon to be daughter in law na si Maine at Papa Art.
Inilarawan ng award winning actress kung paano magkulitan at mag-asaran ang Phenomenal star at kanyang mister.
Kunsabagay, wala pa raw ang proposal ay ganun na talaga ka-close si Maine sa Atayde family.
Pinasalamatan naman ni Sylvia ang inialay na pagmamahal ni Maine sa anak nitong si Cong. Arjo.
Abangers ang mga followers dahil engaged na ay kasalan naman ang kanilang aabangan sa celebrity couple.
Well, well, well… ‘Yun na!

The post Ellen ipatatanggal ang IUD para magkaanak na kay Derek, game na magbabu sa showbiz appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ellen ipatatanggal ang IUD para magkaanak na kay Derek, game na magbabu sa showbiz Ellen ipatatanggal ang IUD para magkaanak na kay Derek, game na magbabu sa showbiz Reviewed by misfitgympal on Agosto 23, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.