Facebook

‘Lolong’ ni Ruru naungusan sa ratings ang ‘Darna’ ni Jane

Ni WALLY PERALTA

AMINADO ang lead star ng “Lolong” na si Ruru Madrid na isang malaking ‘Laban’ ang mangyayari sa pagsisimula ng most popular iconic Pinoy super heroine na Darna na ngayon ay binibigyan buhay ni Jane de Leon sa seryeng “Darna: The TV Series”. Kung sa dating seryeng katapat ng ‘Lolong’ na “Ang Probinsyno” ay naging maganda ang laban ni Lolong, ngayon naman sa Darna ay muling namayagpag ang serye ni Ruru sa first week airing nito.
Based on Nielsen Philippines’ National Urban TV Audience Measurement overnight ratings, sa first week ay almost 4% nightly ang lamang ni Lolong kay Darna.
“Labis po akong nagpapasalamat sa lahat ng loyal viewers ng ‘Lolong’. Lahat kami ng kasama ko sa show, tuwang-tuwa sa aming consistent high ratings. At kahit hindi pa natatapos ang show, may mga nagre-request na ng Book Two featuring new adventures for Lolong and Dakila,” pahayag ni Ruru.
First week palang and still more weeks ang ‘Laban’ ng dalawang higanteng serye na parehong pantaserye. Makabawi o makaungos kaya ang Darna? Yan ang pakakaabangan ng mga televiewers.
‘Ding, ang bato!’
***
HINDI na ikinaila pa ng palabang Vivamax sex nymphet na si Ayanna Misola na natangay siya sa kaguapuhan at kamachoan ng bago niyang leading man na si Gab Lagman para sa movie nilang “Bula’ na magsisimula nang i-stream this coming September 2 sa lahat ng Vivamax Apps, kasama sina Rob Guinto, Mon Confiado at marami pang iba sa direksyon ni Bobby Bonifacio.
“Sobrang bait ni Gab. Hindi ko alam may limitations siya, e nadala ako sa love scene namin at tinanggal ko yung brief niya. Pero hindi naman siya nagreklamo. Naloka lahat ng tao sa set. Sa shoot namin in Baguio, nakapagkuwentuhan kami nang husto. Umaambon pero tuloy ang chikahan namin. I posted it nga sa Tiktok, e,” pilyang saad ni Ayana.
Fresh from her super sexy roles in “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili”, ano naman ang role ni Ayanna sa ‘Bula’?
“Asawa ko po si Mon Confiado, na mas matanda sa akin and disabled pa.
“Nagtatrabaho ako sa isang laundry shop. You’d think sweet and simple si Meldie, but she has her own sexual fantasies kasi nga baldado naman ang husband niya.
At doon sa work ko ay nakilala ko ang guapong police officer na ginampanan ni Gab na mayroon nang syota na si Rob Guinto,” kuwento ni Ayanna.

The post ‘Lolong’ ni Ruru naungusan sa ratings ang ‘Darna’ ni Jane appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Lolong’ ni Ruru naungusan sa ratings ang ‘Darna’ ni Jane ‘Lolong’ ni Ruru naungusan sa ratings ang ‘Darna’ ni Jane Reviewed by misfitgympal on Agosto 23, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.