Facebook

Good job, Sen. Raffy!

MAGANDA ang mga birada nitong bago nating Senador Raffy Tulfo noong nakaraang linggo, nang banatan niya ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagbabalak pang buwisan ang mga maliliit nating kababayan na mga online seller at vloggers.

Sabi ni Senator Tulfo, ang mga kababayan nating ito ay dumiskarte lamang para makatawid sa kanilang pang-araw-araw na buhay, lalo na noong kainitan ng pandemiya.

May tama naman talaga ang butihing Senador sa kanyang mga birada sa BIR. Hindi na nga nakahihuli ng malalaking ‘tax evaders’ ang ahensiya, pagdidiskitahan pa yaong maliliit ang kita.

Pahayag nga ni Sen. Tulfo sa organizational meeting ng Senate Committee on Ways and Means, kung totoong nais ng gobyerno na makahanap ng malalaking pondo, bakit hindi mag-focus ang BIR sa mg ‘big fish’. Idinamay na rin ng Senador ang Bureau of Customs na dapat din raw makapanghuli ng mga malalaking ‘smugglers’.

Bihasa na talaga ang bago nating Senador na ito, dahil sa tagal niya na rin bilang broadcaster. Alam niya ang mga kalakaran sa bawat sangay ng pamahalaan, sa tagal ng karanasan nito bilang media.

Kaya alam ni Sen. Tulfo na upang mapabuti ang pangongolekta ng buwis, kailangang pag-igihan ng BIR at BoC ang panghuhuli sa mga mandarayang negosyante at mga smuggler’s.

Nais din ng Senador na ideklara ng legal ang pagbebenta ng mga imported na second hand garments o ukay-ukay dahil sa patuloy na pagbaha nito sa bansa, dahil na sa “palusutan” na naghahanap sa BoC.

Ito raw ay makadadagdag ng pondo para sa pamahalaan at ang kikitaing buwis ay di na ma punta sa mga kurap na BoC at BIR officials.

May tama nga naman dito si Send. Tulfo. Ang kanyang mga paraan para kumita lalo ang gobyerno ay matagal na dapat ginawa.

Mali rin paratangan ng iba nating kababayan na si Sen. Tulfo ay walang alam sa batas.

Kaya nga ibinoto ito ng marami sa atin kabilang na ko, ay dahil bukod sa nalalapitan ito sa kahit ba anong problema ng taong bayan, ay talagang nakakatulong ito.

Mano pa kung ang problema ng bansa ang pakikialaman nito, di hayahay ang buhay. May paglalagyan pa ang mga kurap at tiwali sa paglilingkod bayan.

Keep up the good work senator. We are behind you.

The post Good job, Sen. Raffy! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Good job, Sen. Raffy! Good job, Sen. Raffy! Reviewed by misfitgympal on Agosto 24, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.