Facebook

Julia sinusundan ang pagpapaseksi ng tyahing si Greta

Ni WALLY PERALTA

TILA sinusundan ni Julia Barretto ang yapak ng kanyang tiyahin na si Gretchan Barretto. Tulad ni La Greta na isa sa pinakapopular na Seiko baby dahil sa pinakita nitong tapang sa pagpapa-sexy sa Seiko Films, heto ngayon si Julia, umalis sa pa-tweetum image at buong tapang na ginampanan ang role ng isang club dancer at leading man niya si Carlo Aquino, sa pelikulang “Expensive Candy” ng Viva Films.
It is a story of a woman who is a night worker and a male teacher who fell in love with her. Siguradong masho-shookt ang kanyang avid followers sa pinakitang tapang ni Julia lalo na sa kanyang eksena na nagsasayaw siya sa ibabaw ng entablado at nang-aakit ng mga customer sa club.
Ang isang bagay na lakas loob na ginawa ni Julia na tila hindi nagawa ni La Greta, ay ang pagbibigay buhay sa kanyang role sa pamamagitan ng pakikihabilo sa mga night club dancers at dumating pa sa punto na naging close siya sa isang nightclub worker.
“I admire them so much and I have so much respect for them. It was very challenging. This movie really challenged me in a very physical way, mentally and emotionally, just being comfortable in the outfits that I had to wear, in front of a lot of different people,” say ni Julia.
Inamin din ni Julia na ang nagbigay lakas ng loob sa kanya para magbago ng image ay ang kanilang direktor na si JP Laxamana na hindi raw kakayanin ni Julia na matanggihan at siempre sa ganda ng istorya ng “Expensive Candy”.
***
MAGKAHALONG kaba at excitement ang nararamdaman ngayon ni Ysabel Ortega dahil sa nalalapit na pagpapalabas ng kauna-unahang serye na ginawa niya na siya ang nasa lead role katambal sina Miguel Tanfelix at Yasser Marta, sa seryeng “What We Could Be”.
Hindi ang naturang serye ang first serye na ginawa nina Ysabel at Miguel, ang hindi pa naipapalabas na Pinoy Adaptation ng sikat na dating Japanese anime na ‘Voltes V”. Sa naturang serye nabuo ang tsikang si Ysabel at Miguel were playing sweet music together.
Coming from Ysabel, ano nga ba ang real score sa kanila ni Miguel?
“We’re really very close ni Miguel but we’re just trying to enjoy the moment. Hindi kami nagmamadali, basta masaya kami ngayon, walang pressure. We’re looking forward to work with other people.
Mas lumalim talaga ang friendship namin at ang aming working relationship,” say ni Ysabel.
Inamin din ng dalaga na naging malaking tulong sa kanyang akting karir ang rumored boypren na si Miguel?
“Ang laking tulong sa’kin ni Miguel. I learned so much from him professionally while we’re on the set. We have many scenes together and tinutulungan niya ako. I’m so grateful kasi there’s a lot of pressure on me as I’m a newcomer compared to him.
It’s nice to have a support system like Miguel. Halos araw-araw kami nagkikita, we’re there for each other, giving energy, and I felt it’s a good team work talaga,” dagdag na say pa ni Ysabel.

The post Julia sinusundan ang pagpapaseksi ng tyahing si Greta appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Julia sinusundan ang pagpapaseksi ng tyahing si Greta Julia sinusundan ang pagpapaseksi ng tyahing si Greta Reviewed by misfitgympal on Agosto 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.