Facebook

Christopher aminadong naging mayabang nang malulong sa droga

Ni ARCHIE LIAO

NAGING guest ni Amy Austria-Ventura sa kanyang vlog ang kasama sa pananampalataya at dating leading man na si Christopher de Leon.
Sa nasabing panayam, ibinahagi ng award-winning actor ang kanyang early beginnings sa showbiz.
Nag-aral daw siya noon sa Catholic school at iminulat sa kanya ng kanyang parents ang laging magdasal.
Katunayan, regular daw sila noong nagsisimbang pamilya sa church.
Gayunpaman, hindi raw pala sapat na nagdarasal ang isang tao para maisalba siya dahil dapat ay may malalim na relasyon siya sa Diyos at isinasabuhay niya ang pagiging Kristiyano.
Sa kabila ng lahat, nagkahiwalay daw ang kanyang mga magulang noong pitong taong gulang siya.
Nagpunta raw ng America ang kanyang ina at naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang ama.
Una raw niyang pinasok ang pag-arte nang makasama siya sa stage musical na “Spellbound” dahil nag-aaral na siya noon ng acting.
Ito rin daw ang naging daan para mai-cast siya sa first movie niyang “Tinimbang Ka Ngunit Kulang” kung saan nanalo agad siya ng unang acting award bilang best actor.
Aniya, pinusuan daw siya noon ni Sandy Andolong na nang lumaon ay hindi niya akalaing nakatakda palang maging misis niya sa hinaharap.
Pinanood daw kasi ni Sandy ang pelikula kasama ang kanyang ina na isa sa mga hurado ng Famas noon.
Sey daw ni Sandy, dapat daw siyang manalo ng award sa nasabing movie na nagkatotoo naman dahil nag-uwi nga siya ng tropeo para sa kanyang pagganap sa obrang iyon ni Lino Brocka.
Dahil galing sa broken family, hinanap daw niya ang maling pagmamahal sa atensyon sa kanyang mga barkada.
Naging tambay daw siya noon at nalulong sa droga.
Katunayan, natikman daw niya noon ang halos lahat ng ipinagbabawal na gamot mula syrup, marijuana, party drugs, downers at marami pang iba.
May pagkakataon nga raw na nahuli siya noon ng ama na tumitira ng marijuana.
Hirit pa niya, dala ng tinamong kasikatan at pagkakamal ng pera dahil sa kaliwa’t kanang proyekto, akala raw niya noon ay walang katapusan ang kanyang tinatamasang ligaya.
Aminado raw siyang yumabang siya noon at akala niya ay hindi siya matitibag.
May mga pagkakataon nga raw noon na nagre-report siya sa shooting na nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot.
Pero, may plano raw pala sa kanya ang Panginoon kaya dumaan din siya sa maraming pagsubok.
Hindi naging matagumpay ang pagsasama nila ng kanyang unang asawa at magmula noon ay nagkaroon na siya ng maraming nobya.
Gayunpaman, iyong bisyo raw sa droga ay hindi pa rin niya tinigilan.
Nang makilala raw niya ang kanyang misis na si Sandy, marami rin silang sigalot na pinagdaanan sa kanilang pagsasama.
Pero nang maging sentro raw ng kanilang pagsasama ang Diyos, nabago raw ang kanyang buhay at doon na niya isinuko ang kanyang sarili sa mga kamay ng Panginoon.

The post Christopher aminadong naging mayabang nang malulong sa droga appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Christopher aminadong naging mayabang nang malulong sa droga Christopher aminadong naging mayabang nang malulong sa droga Reviewed by misfitgympal on Agosto 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.