Facebook

RR niresbakan ang patutsada ng ama ni Ruru; Carlo nagdalawang-isip tanggapin ang sexy film ni Julia

Ni JOVI LLOZA

SA isang post sa socmed ay nakisawsaw at umatake na naman si RR Enriquez.
Nag-react ito sa sweet pic post ng celebrity couple na sina Bianca Umali at Ruru Madrid.
Ayon sa Queen of Sawsawera na si RR, di pa rin ito makapaniwala na 4 years going strong na ang relasyon nina Bianca at Ruru.
Mukha naman daw kasing walang label ang magdyowa na parehong Kapuso stars.
Napansin yata ng ama ni Ruru at napa-comment at react ito at nagdayalog na “ito pala ang RR Enriquez artista ba ito bakit nakikisawsaw alam ba niya ang salitang RESPETO at PRIVACY!” ayon sa ama ni Ruru.
Hindi pinalagpas ng Sawsawera Queen ang patutsada ng ama ni Ruru at niresbakan ito agad.
“Huh ini-ask mo kung artista ako yes artista ako at produkto ako ng sikat na programs at galing lang naman me sa Wowowee na 13 years namayagpag sa ere.”
“Baka nga may collection ka ng mga magazines na nasa cover ako”, pakli pang muli ni RR.
Hindi rin daw kaiinggitan ang isang relasyon na wala namang label.
“Saka kung artista din lang ang pag-uusapan ay mas mukha naman ako artista sayo,” birada ulit ni RR sa tatay ni Ruru.
Sa kabilang banda ay humingi naman ng despensa si RR sacouple sa kanyang pakikisawsaw.
***
Carlo, napaurong na makatambal si Julia
MUKHANG nagdalawang-isip si Carlo Aquino na tanggapin ang pinaka daring film ni Julia Barretto na EC.
Inalala ni Carlo ang kanyang anak kaya naman nang idinetalye ng director ang role nito ay tila tulala si Carlo.
Naisip niya kasi na rated ito kaya kumbaga ay mapapasubo ang aktor.
Matatandaang binatang teacher na virgin ang role ni Carlo kaya napaisip ito.
Pero kinontra ng director ang nasa isip ni Carlo na malaswa o magpapakita ito ng something sa movie na di naman nito image.
Napangiti na nga lang ang aktor at alam ng director ang pinaggagawa ni Carlo na mga film sa Cinemalaya.
Ending, napa-oo na rin si Carlo matapos mapaliwanagan ng director ng nasabing film ni Julia.
Well, well, well…’Yun na!

The post RR niresbakan ang patutsada ng ama ni Ruru; Carlo nagdalawang-isip tanggapin ang sexy film ni Julia appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
RR niresbakan ang patutsada ng ama ni Ruru; Carlo nagdalawang-isip tanggapin ang sexy film ni Julia RR niresbakan ang patutsada ng ama ni Ruru; Carlo nagdalawang-isip tanggapin ang sexy film ni Julia Reviewed by misfitgympal on Agosto 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.