Facebook

Alex Gonzaga trusted na endorser, Nasa Europe kasama si Mikee; Silab movie ni Direk Reyno almost 2M views na

Ni PETER S. LEDESMA

LATEST endorsement ni Alex Gonzaga with her sister Toni ang Snail White na since i-endorse ng magkapatid ay mas lalong tumaas ang sales sa market.
Meaning, hindi apektado si Alex sa issue nila ni Matteo Guidicelli at ang naging nega ay ang actor host. Yes, patuloy na pinagkakatiwalaan ng iba’t ibang kompanya si Alex bilang endorser.
Ilan sa maraming product endorsements ni Alex ay ang Jag Jeans, Secosana Bags, Silver Swan Wow Sarap Seasoning, GlutaLipo, Dragonpay, Chowking, etc. By the way, nasa Europe ngayon si Alex with her husband, number one Lipa Councilor Mikee Morada. Nasa Scotland ang popular couple at magto-tour sila sa iba pang parte ng Europa.
***
MALAPIT nang umabot sa 2 million views ang Silab movie ni Direk Reyno Oposa with one of his lead actors in the movie Lanz Valderama. Mapapanood ito sa official Youtube Channel ni Direk Reyno. Nang mainterview ng inyong columnist ng impromptu sa aming Vlog si Direk Reyno ay pinag-comment namin ito sa movie ni Direk Joel Lamangan na Silab din ang titulo.
Obyus ba na ginaya nila ang title ng film ni Oposa? Di ba, walang originality. Well, nabalitaan ni Direk Reyno na hindi raw maganda ang naging outcome ng movie ni Lamangan na pinalabas sa Vivamax last year. Regarding sa Katips movie naman na bumangga sa Maid In Malacanang, tinawag na recycle at basura ni Direk Reyno ang pelikulang ito ni lawyer-director Vince Tanada. Ang nakakalolokah, kinabog pa ng Silab ni Direk Reyno ang Katips sa Youtube views na hindi man lang ito naka 500K samantalang 2021 pa ‘yung movie.
By the way, coming na rin sa Youtube Channel ng kaibigan naming director ang kanyang latest film na “The Surrogate” na siya rin ang sumulat at pinagbibidahan ng mga bagong tuklas ng Collabros Artist ni Direk and team na sina Andrew Lucas at Kate Denise. Pag-uwi pala ng Pinas ni Direk Reyno, nais nitong suportahan ang career ni Andrew at marami siyang plano sa baguhang aktor na guwapo, matangkad at matindi ang moreno appeal at mahusay pang umarte.

The post Alex Gonzaga trusted na endorser, Nasa Europe kasama si Mikee; Silab movie ni Direk Reyno almost 2M views na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Alex Gonzaga trusted na endorser, Nasa Europe kasama si Mikee; Silab movie ni Direk Reyno almost 2M views na Alex Gonzaga trusted na endorser, Nasa Europe kasama si Mikee; Silab movie ni Direk Reyno almost 2M views na Reviewed by misfitgympal on Agosto 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.