Facebook

Kim super proud sa achievements ng syotang si Xian; Vice Ganda at Ate Gay nagkabati na

Ni ROMMEL PLACENTE

NAGKAAYOS na sina Vice Ganda at Ate Gay, nang magkita sila sa Beks 2 Beks 2 Beks concert ng Beks Battalion na binubuo nina Chad Kinis, MC Muah at Lassy. Ang concert ng tatlong komedyante ay ginanap noong Biyernes ng gabi, August 26, sa New Frontier Theater.
After ng kanilang pagbabati, ibinahagi ni Ate Gay ang litrato niya kasama si Vice Ganda bilang patunay na maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa.
”Love love love.. (heart emoji),”caption ni Ate Gay sa kanyang post.
Ang picture nila together ay kuha sa backsage ng naturang concert, na isa sa special guests si Ate Gay, at nanood si Vice para suportahan ang tatlo niyang  kaibigan.
Napuno naman ng heart emojis ang comments section ng post ni Ate Gay. Marami sa mga ito ay natuwa dahil nagkabati nang muli ang dalawa.
For the record, kaya nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina Ate Gay at Vice Ganda nang inalmahan ng una ang biro ng huli sa isang “Tawag Ng Tanghalan (TNT) All-Star Grand Resbak” contestant na kahawig ni Ate Gay.
Noong panahon na ‘yun, 2019, naudlot kasi ang pagsalang ni ate Gay sa “Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions” ng It’s Showtime.
Nasundan ang hindi pagkakaintindihan ng dalawa, nang ma-hospital si Ate Gay dahil sa kanyang rare and serious skin condition na tinatawag na toxic epidermal necrolysis (TEN).
Nagpaabot naman ng financial help sa kanya si Vice Ganda,  kahit pa may hindi na sila pagkakaunawaan.
Kaso binanggit ni ate Gay na 20,000 ang tulong na ipinadala sa kanya ni Vice, na naging dahilan para i-bash ang Unkabogable Star.
Sabi ng bashers, sa yaman ni Vice Ganda ay ‘yun lang ang binigay niya kay ate Gay.
Siyempre pa, nag-react si Vice Ganda sa pamamagitan ng kanilang show na It’s Showtime. Sabi niya,”Parang… may natulungan ako. Hindi ko ipinagmalaking meron akong natulungan, pero ‘yung tinulungan ko, sinabi niyang tinulungan ko siya.
“‘Tapos nilabas niya kung magkano yung itinulong ko sa kanya.
“‘Tapos nabasa ko sa mga comments, sabi ng mga comments, ‘Ha, ganun lang pala binigay ni Vice Ganda, twenty thousand lang?’
“Parang napalunok ako. Parang, ‘Pag ako ba yung tumulong, dapat may presyo? May ceiling?’ Di ba, dapat hindi mo mabasa, ganito…”
“Naano ako, sabi ko, tumulong na ako nang kusa, ayoko ngang magpa-acknowledge, kaya hindi ko sinasabi.
“Pero yung nilabas mo pangalan ko, ‘tapos inokray pa ako, ‘Bakit P20,000 lang ang binigay mo?’ Nasaktan ako talaga.
“Parang, kapag hindi ka tumulong, ang sama-sama mo. Pag tumulong ka, kukuwestyunin pa, ‘Bakit yun lang ang itinulong mo?’ That hurts so much.”
Nang makarating ito kay Ate Gay ay humingi naman agad ito ng tawad kay  Vice Ganda sa pamamagitan ng kanyang Instagram post. Sinabi nitong hindi niya intensiyong madawit si Vice at mapulaan ito ng bashers nang ibunyag nito sa Facebook ang halagang itinulong nito sa kanya nang siya ay ma-hospital.
Ngayon nga ay all’s well that ends well na sa pagitan nina Vice Ganda at Gte Gay.
***
SOBRANG proud si Kim Chiu sa kanyang boyfriend na si Xian Lim dahil unti-unti ay naaabot na nito ang mga pangarap niya.
Nagkaroon kasi ang aktres ng Q&A sa kanyang Instagram followers, at isa sa mga natanong sa kanya ay kung gaano nga siya ka-proud kay Xian.
Tanong ng isang netizen,”How proud of you of your now-director boyfriend @xianlimm?”
Sagot ni Kim,”Super super beyond mega uber proud of him!”
Si Xian kasi ay hindi lang basta aktor at singer, kundi isa na rin siyang direktor sa pelikula at telebisyon.
Siya ang nag-direct ng Vivamax movie na Hello, Universe! At sa isang episode ng Wish Ko Lang ng GMA 7.
“That’s his passion and so happy that he is living one of his dreams! Congrats direk xian! @xianlimm yes…. Lodi!!!!!!!” sabi pa ni Kim.

The post Kim super proud sa achievements ng syotang si Xian; Vice Ganda at Ate Gay nagkabati na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kim super proud sa achievements ng syotang si Xian; Vice Ganda at Ate Gay nagkabati na Kim super proud sa achievements ng syotang si Xian; Vice Ganda at Ate Gay nagkabati na Reviewed by misfitgympal on Agosto 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.