Facebook

PIKON SI JV EJERCITO

NAG-UMPISA ang kakatwang kuwento noong kasagsagan ng pandemya. Hindi pa “naibalik” si JV Ejercito sa Senado. Dahil walang ginagawa kundi magmagaling sa social media, ipinagmalaki ni JV ang tuta na mukhang mamahalin at totoong maganda. Sa isang tweet, tinanong niya ang mga netizen kung ano ang dapat ipangalan sa tuta. Maraming mungkahi sa inosenteng tanong ni JV. Ngunit may isang pilyong netizen ang patuyang nagmungkahi ng “Plunder.”

Hindi ito nagustuhan ni JV. Nagtaray sa social media at kagyat na “blocked” ang nagbirong netizen. Natawa ang netizen na may apelyidong Zamora. Hindi ko alam kung kabilang siya sa pamilyang kalaban at laging lumalampaso sa kanila sa tuwing halalan sa San Juan City. Pinulot ko ang maaanghang na nangyari noong nakaraang taon at nai-post ko sa aking account sa social media. Hindi masyadong kinagat ng mga netizen ang unang post ko kaya inulit ko noong Biyernes. Kinagat na ito.

Sabi ko sa post: “JV Ejercito tweeted asking netizens how his puppy would be called. Somebody suggested ‘Plunder.’ JV blocked him. Balat sibuyas.” Wala akong hangad sa post kundi magbiro. Patawa lang. Sa gitna ng mga nagmamahalang bilihin, mga malakihang nakawan sa gobyerno na umabot sa bilyon-bilyong piso ang halaga, mga kapalpakan sa pagpapatakbo ng gobyerno, at iba pang kagaguhan at kawalanghiyaan, ako, bilang isang tapat na mamamayan, ay walang sandigan kundi magmura or magpatawa.

Pinili ko ang huli. Mas mainam ang magpatawa na lang. Ang katwiran: Walang namamatay sa mura. Tatawanan ka lang ng mga walanghiya. Mas mahirap mawala ang itinatagong sense of humor sa kasalukuyang panahon. Marahil, isa ito sa mga dahilan kung bakit may mahigit akong 4,000 friend at halos 30,000 follower sa aking nag-iisang account sa Meta, o Facebook. Public ang aking account at hindi ako natatakot kahit sinong Pilato. Isa itong dahilan kung bakit marami-rami akong masugid na mambabasa.

Normal sa aking post ang may 500, 1,000, o 2,000 reaksyon. Normal ang malayang talakayan sa aking mga post. Malaya ang sinuman na nakabasa ang magbigay ng kanyang saloobin. Iba’t ibang opinyon. May nakakatawa; may nakakainis; ngunit laging nakakapagbigay ng liwanag. Sa akin, ito ang diwa ng demokrasya. Hindi ko alam kung naiintindihan ni JV Ejercito ang diwa ng demokrasya bagaman isa siyang mambabatas.

Umabot ang aking post tungkol sa tuta ni JV Ejercito ng mahigit 3,000 ang reaksyon, halos 500 shares, at halos 200 opinyon sa thread. Matindi ang palitan ng saloobin at maraming netizen ang nagtawanan. Pinagtawanan si JV sa ginawa niya sa netizen na nagbiro lang. Pero mukhang hindi ito nagustuhan ni JV Ejercito, isang senador at anak ng dating pangulo Erap Estrada at kapatid ng isa pang senador na si Jinggoy Estrada, ang aking post. Hindi ko alam kung totoong account ni JV ang ginamit pero kung troll at hindi totoo, mukhang may basbas sa kanya.

Sumali si JV Ejercito sa talakayan sa aking thread ngunit kabyos ang dating. Dahil gusto niyang makaganti, nagmukha siyang hukom na humingi ng paliwanag sa akin sa trahedya na nangyari sa buhay ko 21 taon na nakakalipas. Tinawag niya akong “arsonista” kahit walang basehan. Mukhang labis siyang nasaktan sa isang biro. Namatay ang aking kasintahan at limang kamag-anak sa isang sunog na nangyari sa kanilang apartment. Sa siyasat ng pulis, hindi ako ang suspect dahil nakaalis na ako at nangyari ang trahedya limang oras ang nakalipas ng umalis ako sa apartment.

Dahil walang kapitbahay o saksi na nagbigay ng pormal na pahayag sa pulis, nilinis ng pulisya ang aking pangalan. Kasama ko ang aking abogadong ama sa pulisya noong humarap kami sa pulisya. Sa maikli, ginawa akong saksi at hindi suspect sa sunog. Humingi ako ng tawad sa aking asawa at pamilya. Inampon ng aking asawa ang anak ng aking kasintahan. Sa piling niya, lumaki ang aming anak at ang aking asawa ang kanyang kinilalang ina. Hindi nakakaabala ang trahedya sa takbo ng aking buhay.

Muling akong bumalik sa pagsusulat at pagtuturo sa kolehiyo. Hindi naapektuhan ang aking pakikitungo sa aking pamilya, mga kamag-anak, kaibigan, at kapwa peryodista at maging sa aking trabaho. Alam nila ang aking pagkatao at sapat na iyon upang ako’y tanggapin. Hindi namin pinag-uusapan ang nakalipas. Malayang iniulat ng media ang nangyari trahedya ngunit hindi ito hadlang sa aking pakikitungo sa lipunan.

Dahil wala akong bilib kay Rodrigo Duterte, pinilit buhayin ng mga taga-Davao City ang trahedya, ngunit hindi nag-klik. Hindi pinansin ng maraming netizen na patuloy na bumabasa sa aking mga post. Hindi kinagat, sa maikli. Isa lang ang ganti ko sa kanila. Inferior Davao kasi sila. Inferior in thoughts, in words, and in deeds. Matutulis ang dila, pero mapurol ang diwa. May magaling ba na nilalang na taga-Davao City?

Naaninag ko ang dahilan kung bakit napikon si JV. Ayaw niya masama ang kanyang pangalan sa ama na si Erap at kapatid na si Jinggoy na nakulong sa bintang na plunder o pandarambong. Pilit na ipinalalabas ng kanyang panatikong tagahanga at mga troll na siya ang “the good one,” o ang natatanging matino at mapagkakatiwalaan sa kanilang angkan. “Product differentiation” ang tawag sa ganyan sa larangan ng marketing. Lehitimo ang hangarin ni JV. Walang problema sa akin. Hindi niya dapat dalhin ang problema ni Erap at Jinggoy.

Hindi sa akin galing ang tanong kundi sa mga netizen hinggil sa pagiging beneficial owner ni JV Ejercito ng isang sekretong kumpanya na nakarehistro sa British Virgin Islands at binuo nang presidente ang kanyang ama noong 1999. Binanggit ng mga netizen sa thread ng aking post ang ulat ng pinipitagang Philippine Center for Investigative Journalism. Dinala ng rappler.com ang repost ng PCIJ. Sa maikli, si JV Ejercito ang dapat magpaliwanag at hindi ako.

May nagtanong sa akin kung may plano akong idemanda ng libelo si JV Ejercito dahil sa walang basehan na bintang sa akin. Tanong ko: “Si JV idedemanda ko?” Hindi ko pag-aaksayahan ng panahon si Bondying, ito ang aking pakli. Marami akong labahin at plantsahin. Hindi ko pagkakaabalahan ang pipitsuging senador na iyan. Tapos ang usapan.

***

MAY magandang post si Sahid Alunan Glang, isang retiradong sugo. Nagtatanong lang siya, ngunit may saysay ang kanyang katanungan. Maigi sagutin ang mga ito ni Rodrigo Duterte.

WHATEVER HAPPENED TO THESE CASES?

1. In 2018, former DOT Secretary Wanda Tulfo-Teo and her brother, Ben Tulfo, were asked to return the questionable P60-M that funded the latter’s program, “Bitag” on PTV 4;

2. In 2018, Cesar Montano, former CEO, Tourism Promotion Board, was asked to return the questionable P80-M to fund his “Buhay Carinderia” project;

3. In 2018, the Sandiganbayan acquitted former Sen. Bong Revilla of plunder but ordered him to return P124-M from his pork barrel fund;

4. In 2020, Speaker Alan Peter Cayetano failed to liquidate the P2.7-B that was supposed to fund the Philippines’ hosting of the 2019 Southeast Asian Games. Neither had he submitted a financial report on how he used the money; and

5. In 2020, PHILHEALTH Chief Ricardo Morales allegedly pocketed P15-B from the PHILHEALTH funds and was asked to return it. Calling the attention of Ombudsman Samuel Martires and Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang to update the public on the latest status of these cases!

The post PIKON SI JV EJERCITO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PIKON SI JV EJERCITO PIKON SI JV EJERCITO Reviewed by misfitgympal on Agosto 28, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.