Kung noong dati ay smooth-sailing ang lahat ng sistema sa city hall ng Paranaque, tila biglang nag-iba ang ihip ng hangin.
Nag-iba lamang ang alkaldeng nakupo sa trono, naging magulo na daw ang lahat.
Kanya-kanya nang diskarte at pa-impress ang mga bitbit na tauhan ni Mayor Eric Olivarez.
Napuna ito ng mga mamamayang nagtutungo sa city hall to transact official business.
Masama kasi ang buena-mano ni Mayor Eric eh.
Medyo tila may kaguluhan at kalituhang nangyari sa kanyang mga unang araw sa pagsampa sa city hall na dating maayos na pinamamahalaan ng kanyang Kuya Edwin Olivarez na ngayon ay kongresista na sa unang distrito ng lungsod.
Pumalag kasi sa first order of the day ni Mayor Eric ang mga opisyal ng Paranaque City Hall na kanyang pinagsisibak sa puwesto.
Pangalawa, tila mga dagang nagsipaandar ang mga bitibit na mga tauhan ni yorme at nag-kanya-kanyang pasiklab.
‘Yung mga kontraktor noon na ang kausap ay si Kuya Edwin at ang mga trusted na tao nito ay tila sinasadyang dedmahin ng bagong sibol na kaharian.
Di raw umano kagaya noong si Kuya Edwin pa ang alkalde, kapag-inutos nito sa kanyang department heads, siguradong yaon ang mangyayari.
Madaling kausap at straight ka-deal.
Kung puwede puwede, kung hindi hindi.
Walang in “between”.
Ika nga walang malasado.
Ika nga, respetado at iginagalang ng lahat ang desisyon ng dating mayor.
We are not saying here na hindi nirerespeto ng kanyang mga tauhan si Mayor Eric Olivarez, what we are trying to point out eh yung malaking kaibahan sa mga palakad ng city government.
Mabilis at walang kuskos-balungos ang lahat ng transaksyon sa city hall na unlike ngayon ay sobrang gulo umano at usad pagong ang sistema.
Maraming bida-bida at umeepal.
Kahit na ayos na ang mga requirements o mga kailangang dokumento, nabibinbin pa rin dahil marami ang nagdudunong-dunungan.
Dunung-dunungan lamang kaya o may ibang gustong mangyari?
Hinaing ‘yan ha ng marami sa mga nakapanayam nating mga taga-Paranaque na nagtutungo sa city hall.
Kahit ang mga taga-media na dating dumadalaw at nagko-cover sa city hall ay tila hindi na kuntento sa treatment sa kanila ng bagong administrasyon.
Sab inga, “iba talaga si Kuya Edwin at si former City Admin Ding Soriano”.
Very accommodating at mataas ang kortesiya sa working press.
Iba rin daw si dating PIO Mar Jimenez.
Laging may panahon sa mga taga-media at very warm ang pagtanggap sa kanila.
Hindi ‘yung ramdam mong minamadali ka nang umalis at halos ayaw ka nang kausapin for what ever reason they are up to.
Baka naman wala talagang experience sa pagtanggap sa mga kasapi ng media.
Mahirap talaga kung salat ka sa kaalaman sa pakikitungo sa mga mediamen.
May sekreto talaga diyan na tanging sina Kuya Edwin, Admin Ding at Mar Jimenez ang nakakaalam.
They knew exact well what to do.
PR kasi ‘yan ng buong lungsod kung kaya’t dapat mong pag-aralan ang kiliti ng bawat isang mediamen na nagko-cover sa Paranaque City Hall beat.
It takes time, experience and a lot of patience.
Eh kung bagito ka sa paghandle sa media personalities, talagang problema ‘yan lalo pa nga’t first time mong humawak ng posisyon ng PIO.
Lalabas kang aangaa-anga talaga.
Pati si Mayor Eric Olivarez ay makokompromiso sa malatubang performance mo.
Ang mga taga-media, hindi lamang tuwing may ipinatatawag kayong presscon pinakikisamahan ng mabuti.
Same thing sa lahat ng taong nagpupunta sa Paranaque City Hall.
All the time, kahit pa nga puyat ka, problemado ka, may masakit sayo o may regla ka, lalo na sa mga personnel sa frontline services ng city hall, kailangan mo silang i-accommodate warmly and with a smile in your face as a bonus kahit wala ka sa mood.
Wag na wag nyong kakalimutan, particularly sa mga taong bibit ni Mayor Eric na ngayon ay may puwesto na dyan sa Paranaque City Hall na ang mamamayan o ang taongbayan ang boss n’yo at di kayo.
Kahit anong taas ng posisyong ibinigay ni Mayor Eric sa inyo, public servants lang lahat kayo.
Hindi kayo boss kaya walang puwang na “mag-feeling boss” ang sino man.
Kahit sino ka pa.
Speaking of former Mayor Kuya Edwin Olivarez, hindi siya perpekto pero kahit kelan hindi siya nag-assumed to be one.
Lagi siyang maraming bitbit na pang-unawa at pasensiya sa lahat ng taong kanyang nakakadaupang palad sa loob man o labas ng city hall.
Sad to say, we can not say the same sa kanyang kid brother who happens to be the former congressman of the 1st district of the city.
Malayung-malayo ang magkapitid.
Siguro nga, na-master na talaga ni Kuya Edwin ang public relations, lalo na sa kanyang pakikitungo sa kanyang mga constituents.
Mahirap kasi mag-pretend lalo na kung hindi ka naman yung pino-project mong personalidad.
Mawawala ka sa wisyo at sa iyong “comfort zone”.
Nothing personal Mayor Eric.
Malay natin, ang mga pagpunang ito ngayon ay makatulong sa iyo balang-araw.
Have a nice day Mayor Eric.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post DUMARAMI ANG BIDA-BIDA SA PARANAQUE CITY HALL appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: