PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at Manila department of social welfare chief Re Fugoso ang groundbreaking ng bagong administration buiilding sa Manila Boys’ Town Complex (MBTC) sa Marikina.
Ayon kay Lacuna, ang nasabing building ay magkakaroon ng multi-purpose halls na hindi lang magbibigay ng karagdagang lugar para sa mga homeless.
Pinasalamatan ni Lacuna sina Lacuna Fugoso, city engineer Armand Andres at Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo para sa joint project na magbibigay pakinabang sa mga kawani ng MDSW at sa lahat ng mga nanunuluyan sa ilalim ng pangangalaga ng local government unit.
Sinabi naman ni Fugoso na ang multi-purpose halls ay maaari ding gamitin para sa indoor recreational activities para sa mga ‘clients’ na inaalagaan sa nasabing complex.
Hanggang August 26, 2022, sinabi ni Fugoso na ang kabuuang bilang ng mga inaalagaan at pinagsisilbihan ng MBTC ay kinabibilangan ng Kids’ Home – 28; Girls’ Home – 103; Boys’ Home – 142.
Ang “Luwalhati Ng Maynila” na nangangalaga sa senior citizens ay may 189 male at 200 female na matatanda o kabuuang 389
Sa kabuuang 524 na RAC-KAMADA o homeless at streetdwellers, 465 ang nasa main building habang 59 naman ang nasa Pag-asa building.
Nabatid na ang lahat ng indibidwal na inaalagaan ng nasabing complex ay hindi lamang binibigyang ng tatlong beses na pagkain araw-araw, binibigyan din sila ng sarili nilang hygiene requirements. (ANDI GARCIA)
The post Mayor Honey, VM Yul pinangunahan ang groundbreaking ng bagong admin bldg. ng MBTC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: