Facebook

Glaiza showbiz muna bago magbuntis sa mister na foreigner

Ni WALLY PERALTA

MARAMI sa mga followers ni Glaiza de Castro ang nagtatanong kung kailan kaya ang plano ng kanilang idolo na magkaroon ng baby. Kapuna-puna kasi na simula ng magpakasal sila ng foreigener husband na si David Rainey last year pa ay tila mas lalong naging busy sa dami ng showbiz commitments ang aktres. Katatapos lang niya ng taping para sa “The Running Man PH” na kinunan ang buong challenge ng game sa South Korea, heto nagsisimula na naman mag-taping si Glaiza ng isang bagong serye.
Kailan naman kaya ang plano ni Glaiza na magkaroon ng baby?
“Excited lahat, I’m also excited, kasi nakikita namin sa friends namin kung paano ‘yun. Siguro mga dalawang taon pa from now,” paunang say ni Glaiza.
Kailan naman din kaya ang plano nilang mag-asawa na manirahan na sa bansa ng mister at doon na rin manganak?
“Medyo matagal-tagal pa po. Medyo mahaba-haba pang time ‘yung kailangan namin for transitioning,” dagdag pang say ni Glaiza.
Sa ngayon ay nasa bansang sinilangan niya si David, sa Ireland. At si Glaza naman minsan ay pumupunta-punta rin sa mister, as in salit-salitan muna ang peg nilang mag-asawa sa pananatili sa Ireland at sa Pilipinas.
***
HINDI na baguhan si Ava Mendez sa pagiging isa sa Vivamax sexy nymphets, una siyang pinakilala sa pelikulang “Gusto Ko Maging Pornstar” sa screen name na Sab Aggabao, pero nagkaroon ng sudden name of screen name sa movie niyang “Babaeng Nawawala sa Sarili” kasama si Ayanna Misola, bilang Ava Mendez na nga.
Sa ngayon, sabay-sabay ay nagpropromote si Ava sa kanyang mga pelikulang nagawa, “The Escort Wife” and “Do You Think I Am Sexy?”. Bakit naman kaya biglang nagpalit ng screen name si Ava?
“May pulitiko kasing Aggabao ang family name na nagreklamo, so pinalitan ko na lang,” say ni Ava.
Sa “Escort Wife”, written and produced by Yam Laranas, directed by Paul Basinillo and streaming simula Sept. 22 sa lahat ng Vivamax Apps, tsikang di na raw nag-effort na maglagay ng ‘plaster’ si Ava sa daring scene nila ng mister niya na ginampanan ni Raymond Bagatsing.
“Pwera na lang kundi ko talaga kilala yung guy at naiilang ako. But kay Kuya Mond Bagatsing, siempre, hindi ako nag-plaster kasi kilala na siya sa industry. But at first, I was intimidated, kasi hindi siya nagsasalita. Akala ko masungit, pero nang kausapin ko, okay naman pala so we did our bedscene well,” dagdag na say pa ni Ava.

The post Glaiza showbiz muna bago magbuntis sa mister na foreigner appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Glaiza showbiz muna bago magbuntis sa mister na foreigner Glaiza showbiz muna bago magbuntis sa mister na foreigner Reviewed by misfitgympal on Agosto 29, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.