Facebook

Heaven inokray ng basher sa pagproblema sa pimple

Ni JOVI LLOZA

SA IG post ni Heaven Peralejo na naka-black two piece ay inilagay nito na masyado na siyang nababahala sa kanyang acne.
Kesyo feeling insecure ito at di nagagandahan sa aura.
Kaya nagpayo pa ito na alagaan ang sarili lalo na ang skin.
Lalo na nga raw siya na kailangan maging maingat at mapangalaga sa kanyang skin dahil nasa industriya siya na puno ng intriga.
Kaya naman nag-aalala si Heaven sa kanyang acne na baka raw ma-bash ito.
Na-bash nga si Heaven pagka-post niya nang regarding sa acne ay umulan ng komento.
May mga komentong nag-aalala at may nakalusot naman na inokray ang post nitong pics.
Ayon sa netizens na nakapuna sa pics ni Heaven na pinoproblema nito ang acne.
Sey ng netizen, mukha naman daw wala naman siyang acne at ang liit lang ng nang nag-iisang pimple na ginawa nitong problem.
Sumagot naman si Heaven na kahit nag-iisa ang pimple malaki or maliit ay nakadudumi at mantsa pa rin ito sa balat.
***
Billy inamin, nawala ang mga bisyo nang
mag-asawa
SA isang panayam kay Billy Crawford ay inamin nito na maraming nawala na bisyo nang magkapamilya siya.
Malaking bagay daw ang pagdating sa buhay nito si Coleen Garcia at anak nila.
Sa patotoo ni Billy ipinagmalaki nito na wala na ang mga bisyo niya na paninigarilyo at pag-inom ng alak.
At kahit pakikipag barkada ay tinanggal na ni Billy mula nang magka-pamilya ito.
Hinangaan din si Billy sa pagiging going strong ng kanilang relasyon ni Coleen.
Ibinahagi nga ni Billy ang sikreto ng pagtagal ng kanilang pagsasama ng asawa.
Nasa sentro raw nila ang Diyos bago pa man ang lahat, put God first, ika pa ni Billy.
Proud si Billy na ang kanyang pamilya ang kanyang prayoridad sa ngayon lalo na nga raw at may anak na sila kaya pagpasok nito ay miss na agad ang anak.
Well, well, well…’Yun na!

The post Heaven inokray ng basher sa pagproblema sa pimple appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Heaven inokray ng basher sa pagproblema sa pimple Heaven inokray ng basher sa pagproblema sa pimple Reviewed by misfitgympal on Agosto 29, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.