Facebook

Dawn mukhang matanda sa gray hair; Sunshine at Cesar nagkaayos dahil sa b-day ng anak

Ni BETH GELENA

SA Instagram Stories ni Mariel Rodriguez-Padilla, nagpahayag siya ng suporta sa dating lady co-host sa WoWowee na si RR Enriquez as well as dancer din sa programa noon ni Willie Revillame.
Mahilig magbigay ng kanyang opinyon ang dating dancer-host-actress at ngayon ay isa na ring matagumpay na entrepreneur sa hot issues ng mga artista.
Sa kanya na rin nanggaling na “sawsawera queen” siya.
Kinongratulate siya ni Mariel sa bagong concept niya sa kanyang vlog at bagay daw sa kanya ang konsepto.
Hindi naman masisisi si RR sa kanyang mga opinyon dahil sa totoo lang may punto naman siya.
Maging ang netizens ay na-appreciate ang pagiging sawsawera ni RR.
Sabi nga ni Mariel sa kanyang IG: “You got this @rr.enriquez bagay sayo! Congratulations Kamakailan lang ay nagreak si RR sa pagiging Darna ni Jane de Leon.
Pinuri niya ang young actress na para raw siyang Gal Gadot ng Wonder Woman.
Hindi raw nagkamali ng desisyon ang ABS-CBN na si Jane ang napili nila to portray Pinoy superheroine.
***
SINOPLA ni Sunshine Cruz ang basher na nagkomento tungkol sa paggawa niya ng bold movies noon.
Ayon sa basher dahil umano sa pagbobold ni Sunshine kaya naturn-off ang mister nito noon na si Cesar Montano kaya naghanap ng iba ang aktor
Bwelta ng mestisang aktres sa basher: “You know nothing about our lives.”
Aniya pa, mag-move on na lang daw ito dahil sila raw ay naka-move on besides hindi naman niya kilala ang basher.
Ayon pa sa aktres, hindi rin daw niya alam kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni Cesar.
Annulled na sina Sunshine at Cesar.
May karelasyon na aktres, si Macky Mathay gayon din si Cesar.
Marami ang natuwa na matapos ang mahabang panahon ay nagbahagi si Sunshine ng picture ng mga anak kasama ang dating asawang si Cesar.
Nag-celebrate ng 18th birthday ang anak nila ni Cesar na si Sam.
Pinost ni Sunshine sa kanyang IG account ang larawan ni Sam kasama si Cesar at ang mga kapatid nito sa ama.
Ang caption na nilagay ni Sunshine, “And just like that my princess is now a lady. Thank you for sharing some of your birthday celeb photos/videos to me (swipe). Masaya ako you got to spend your birthday with your siblings, Tita Kath and Dad. Ramdam ko ang kaligayahan mo anak. Again, Happy 18th birthday! I can’t wait to see you and celebrate with you tonight Sam.
“Thank you to my Underage family for today.”
Ang Tita Kath na tinutukoy ni Sunshine ay ang current partner ni Cesar.
***
NAG-undergo Physical Therapy ang actress na si Dawn Zulueta.
Pero wag daw mag-alala ang kanyang supporters at followers dahil di daw siya naaksidente.
Aniya sa kanyang Instagram: “Physical therapy for my cervical spine compression. No wasn’t by any accident, just degenerative.”
“Gotta yoga and ballet… my way outta this if i wanna get more relief,” aniya pa.
Tama naman ang aktres, need ng mga kababaihan ang mga ganitong therapy para sa kalusugan ng ageing women.
Hindi pa rin pala nagpapa-dye ng black color si Dawn ng kanyang hair.
Nagpa-gray color kasi ang aktres na ayon sa netizens ay hindi raw bagay sa kanya.
“She is really beautiful no matter what her hair color or style is. She is very effortlessly sophisticated.”
“No hate pero di ko talaga bet ang look nya with white hair. I know she’s just embracing what’s natural pero….
But then again it’s just me.”
“Therapy for being an apologist is what she needs.”
“She looks old with that grey hair. Pwede namang mgkulay. Maya nyan iwanan sya ni hubby at palitan ng mas bata haha”

The post Dawn mukhang matanda sa gray hair; Sunshine at Cesar nagkaayos dahil sa b-day ng anak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dawn mukhang matanda sa gray hair; Sunshine at Cesar nagkaayos dahil sa b-day ng anak Dawn mukhang matanda sa gray hair; Sunshine at Cesar nagkaayos dahil sa b-day ng anak Reviewed by misfitgympal on Agosto 29, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.