Facebook

Mikee nagreak sa pagtatapos ng nangungunang serye sa hapon

Ni ROMMEL GONZALES

SA pagwawakas sa Sabado ng Apoy Sa Langit, naitanong kay Mikee Quintos kung ano ang nais niyang iwanan na aral o kahalagahan ng Apoy Sa Langit sa mga viewers…
“Kung meron po akong gustong iwan dito sa sa show na ‘to at sa lahat ng sumusuporta dito sa Apoy Sa Langit, I think it would be yung lesson and yung hindi nila makalimutan yung importance ng mental health.
“Lalo na yung mga taong naabuso, mga babaeng naabuso, yung experiences na yun sana thru this show I hope we helped put light dun sa mga taong napagdaanan talaga yun sa totoong buhay at napakita namin kung gaano siya kaseryoso.
“Para lumakas din po yung loob na humingi ng tulong yung mga taong pinagdadaanan nga iyon.
“And yung people surrounding those people din, na sana natuto sila kung paano bigyan ng care yung mga taong naabuso, thru our characters, and kung ano yung na-feel nila while watching the show.”
Patuloy na namamayagpag sa ratings ang nabanggit na Kapuso drama series na sa ngayon ay Number 1 Afternoon Drama Series sa taong ito.
Ito rin ang most viewed drama program sa Youtube at phenomenal ang performance ng TV ratings ng naturang serye.
Kasama rin sa cast ng Apoy Sa Langit sina Mariz Ricketts bilang si Blessie, Dave Bornea bilang si Tony, Coleen Paz bilang si Patring, Celine Fajardo as Iyah, Patricia Ismael as Lucy at Mio Maranan bilang si Toto.
Ang Apoy Sa Langit ang masasabing unang mature role ni Mikee sa kanyang buong showbiz career.
At sa pagtatapos ng Apoy Sa Langit sa September 3, ano ang mangyayari sa karakter niya bilang si Ning sa nangungunang panghapong teleserye ngayon sa telebisyon?
“Finally makikita na natin kung ano’ng ikawawakas ng istorya dahil for so long, yung mga weeks and mga months na pinagdaanan natin, reading the comments [sa Youtube channel ng Apoy Sa Langit] andaming nanggigigil, andaming nanggigigil kay Stella at Cesar pati na din kay Edong, na oh my gosh, grabe yung timing nila!
“Lagi silang nakakalusot sa aming mag-ina ni Gemma, so finally, we’ll see now, how the story will end, ano talaga yung height ng kasamaan na kayang puntahan ni Cesar at kung ano yung kayang gawin ni Ning and Gemma for justice.
“So eto na po yung mga big revelations at mga maiinit na mangyayari ngayon sa aming nalalapit na pagtatapos. “Kaya dapat nating abangan yung every episode.
“Kasi I’m sure si direk Laurice andami niyang ginawang mga special effects or special na pakulo para mas kumirot sa puso ninyo yung pinaghirapan namin sa lock in.
“So nae-excite din ako mapanood dahil these past few episodes din, iba po pala talaga e, habang nagte-take kayo sa kung makikita mo siyang naka-edit na.
“Na parang watching it nagugulat pa rin po ako e, so nae-excite din po ako personally sa last week.”
Sa direksyon ni Laurice Guillen, gumaganap sa Apoy Sa Langit si Lianne Valentin bilang si Stella, si Zoren Legaspi bilang si Cesar, si Carlos Siguion-Reyna bilang si Edong at si Maricel Laxa bilang si Gemma.

The post Mikee nagreak sa pagtatapos ng nangungunang serye sa hapon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mikee nagreak sa pagtatapos ng nangungunang serye sa hapon Mikee nagreak sa pagtatapos ng nangungunang serye sa hapon Reviewed by misfitgympal on Agosto 29, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.