Facebook

Lamok, Palaka at Isda

The way you think, the way you behave, the way you eat, can influence your life by 30 to 50 years. — American-Indian author Deepak Chopra

SINO naman kaya ang nakaisip na magpakawala ng mga isda at palaka para puksain ang mga lamok na may dalang sakit na dengue?

Kung hindi man walang sapat na kaalaman ay tiyak na nais lang pumapel ang nagpanukala nito para masabing umaaksyon sila sa lumalalang problema ng paglaganap ng nasabing karamdaman na kumitil na sa maraming inosenteng buhay sa nakalipas na mga buwan.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources-Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) director Natividad Bernardino, sadyang may panganib sa publiko ang pagpapakawala ng mga palaka at isda sa mga latian at nakaimbak na tubig para labanan ang dengue outbreak dahil maaari itong makasira ecological balance na ating kapaligiran.

Bukod dito, ikinatuwiran pa ng opisyal na ang paggamit ng mga isda at palaka laban sa mga lamok ay hindi tunay na epektibo dahil hindi rin lang naman lamok ang kanilang kinakain kundi maging mga plant material hanggang sa malilinggit na hayop.

Sa mga pag-aaral ng mga paham, ang mga adult frog ay kumakain ng maraming bagay at ang mga lamok ay hindi nila pangunahing food source. At batay sa pag-aaral na isinagawa ng biologist na si Jodi Rowley sa pahihing epektibo ng mga palaka laban sa Zika virus, nakitang wala pa sa isang porsyento ang lamok sa kanilang diet. Kaya nga nagbabala si Bernardino na ang uri ng palaka na kung tawagin ay cane toad o Rhinella marina, na pinapakawalan ng ilang mga local government unit (LGU) para labanan ang dengue, ay isa sa pinakamasamang invasive alien species sa mundo.

Ang totoo, sabi pa ni Bernardino, ang paglaganap ng mga lamok ay dahil na rin sa mga environmental condition na nagbibigay daan para sa mas produktibong reproduksyon ng mga disease vector. Kabilang sa mga kondisyong ito ay ang maruming kapaligiran, mga stagnant at man-made na kanal at pangingialam sa natural na daloy ng tubig at pagkawasak ng ating mga wetland tulad ng mga ilog, sapa at latian sanhi ng polusyon dulot ng pagtapon ng basura at gayun din ng pagkakaroon ng mga invasive na halaman at iligal na istraktura.

Kaya nga kung nais talaga nating mapuksa o matugunan ng maayos ang lumalaganap na dengue outbreak kailangan nating magkaisa upang maging malinis ang ating paligid at mapan galagaan ang ating paligid at ang kalikasan.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

The post Lamok, Palaka at Isda appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lamok, Palaka at Isda Lamok, Palaka at Isda Reviewed by misfitgympal on Agosto 11, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.