Bilang pag-agapay at huwag tuluyang gumuho ang kabuhayan ng mga nasalanta sa paglindol nitong nakaraang buwan sa REGION 1 at CORDILLERA AUTONOMOUS REGION (CAR) ay agarang kumilos ang NATIONAL HOUSING AUTHORITY (NHA) sa pagbibigay-tukod sa sitwasyon ng mga pami-pamilya.
Sa ulat ng NHA ay umabot sa 27 libong pamilyang biktima ng 7.3 magnitude na lindol nitong Hulyo 27 ang naging benepisaryo ng ipinamahaging P270 milyong tulong pinansiyal nitong Agosto 11 sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP).
Ayon kay NHA GENERAL.MANAGER JEOBEN TAI, na personal na pinangunahan ang pamamahagi ng nasabing tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Abra at Ilocos Sur.., ay nasa 388 pamilya na nawalan ng tahanan ang nakatanggap ng tig-P20,000 halaga habang mayroon namang 26,280 pamilya na bahagyang nasiraan ng kabahayan ang benepisyaryo ng tig-P10,000 tulong pinansiyal.
“Isa sa mga mahahalagang pangangailangan ng ating mga kababayang Pilipino ay ang pagkakaroon ng tirahan, kaya naman ang pagkakaloob sa kanila ng EHAP ay magbibigay ng pag-asa para makapagsimulang muli at mapagaan ang kanilang mga pasanin,” pahayag ni GM TAI.
Dagdag pa ng NHA GENERAL MANAGER na ito ay bahagi ng direktiba ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR., na tulungan ang mga pamilyang lubhang naapektuhan ng lindol.
Dumaan naman ang mga benepisyaryo sa masusing inspeksyon at balidasyon ng mga opisina ng NHA sa rehiyon sa tulong ng mga lokal na pamahalaan, partikular na ng mga lokal na opisina ng SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT.
Samantala, umaasa ang NHA na magagamit ng mga benepisyaryo ng EHAP ang tulong na kanilang natanggap para makapagsimulang muli at makapagtayo ng komportableng tirahan. Nangako rin ang ahensiya na patuloy itong susuporta sa iba pang mga kababayan na nangangailangan din lalo na sa usaping pabahay.
Ang GOVERNMENT lalo na ang NHA.., na bagama’t may ilang opisyal na naging tiwali sa mga proyekto sa mga nakaraang administration ay sinsero ang layunin ng gobyerno na mabigyan ng disenteng pabahay ang lahat ng mamamayan.., yun nga lang ay may mga mapagsamantalang personalidad kaya may mga natataguriang SQUATTERS SYNDICATE.., na may mga naging benepisaryo ng mga pabahay subalit may mga benepisaryo na halos 2-taon lamang tumira ay ipinagbili na ang kanilang mga yunit…, at nagbabalik iskuwater na naman para kung mademolish ay mapabilang na naman sa mabibigyan ng panibagong bahay relokasyon.
Kaya naman.., napapanahon ngayon sa bagong administrasyon ng NHA sa pangunguna ni NHA GENERAL MANAGER JEOBEN TAI ay kailangang repasuhin ang record sa lahat ng mga lugar na PABAHAY PROJECT ng NHA.., upang madiskubre kung ang mga benepisaryo pa rin ang namamalagi sa mga yunit.., subalit, huwag magbase sa record report lamang kundi, ang pinakamainam ay makapagbuo ng SPECIAL TEAM ang NHA na ang mga ito ang personal na magsiyasat sa mga lugar.., dahil maraming mga ARYA BUBUYOG ang bumubulong na maraming yunit ang hindi na ang tunay na benepisaryo ang nakatira kasi.., ibinenta nila at regular mang nakapagbabayad ng monthly ammortization na pangalan pa rin nila ang gamit ay hindi na sila ang nagmamay-ari at kapag nakumpleto na ang pagbabayad sa yunit ay saka naman ang transfer of ownership sa taong bumili ng yunit ang kanilang aasikasuhin.
Sa ganiyang aktuwal na pamamaraang-pagsisiyasat ay sigurado…, marami ang madidiskubre ang ating mga bagong NHA OFFICIAL kung sino ang mga nasa kategoryang PROFESSIONAL SQUATTER o SQUATTERS SYNDICATE na dapat ay mapanagot ang mga ito sa mga ipinaiiral ng ating BATAS-PABAHAY!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.
The post REGION 1 AT CAR TINUKURAN NG NHA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: