NASAMSAM ng mga pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng PDEA Intelligence Service, PDEA Regional Office (RO1), PDEA NCR, AFP Task Force NOAH, AFP Team Navy, Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine National Police (PNP) ang humigit kumulang 2.72 Bilyon Piso ng mga pinaghihinalaang iligal na droga sa isinagawang magkasunod na anti-illegal drugs buy-bust operation sa probinsya ng Pangasinan at La Union nitong araw ng Biyernes.
Personal na ininspekyson ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga nasabat na mga hinihinalang shabu na pawang mga nakabalot sa kulay green na chinese tea bag at base sa report ng PDEA Regional Office 1 Director Ronald Allan Ricardo, unang isinagawa ang operasyon sa Turquoise St., Sunshine Village, Pozorubio, Pangasinan bandang 11:30 ng umaga kung saan naaresto ang isang Chinese nationals na si Ke Wujia alyas James Dagale Galopo, 49, residente ng San Vicente Sur, Agoo La Union, kabilang ang tatlong mga kasabwat na Filipino na sina 1.John Bert Yagong, 29, 2. Jenson Rey Yago, at Ritchell Repuesto, na pawang mga tubong San Carlos City, Negros Occidental.
Narekober sa mga suspek ang 360 kilograms ng mga hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Two Billion Four Hundred and Fourty Eight Million Pesos (P2, 448,000.000.), mga cellular phones, ginamit na buy-bust money, identification cards (ID’s) at mga financial documents.
Arestado rin sa isinagawang follow up operation sa Brgy.Poro ng San Fernando, La Union bandang 12:45 ng tanghali sina 1.Romel Leyes, 38, residente ng Bagong Silangan, Quezon City at si 2. John Paul Repuesto, 18, ng San Carlos, Negros Occidental.
Nakuha sa dalawang suspek ang 40 kilos ng mga pinaghihinalaang mga iligal na droga, cellular phones, mga identification cards (ID’s) at mga financial documents.
Mahaharap sa kasong paglabag sa violation of Section 5 (Selling) at Section 11 ng Republic Act. 9165. (KOI LAURA)
The post 2.72 BILYON SHABU HULI NG PDEA SA PANGASINAN AT LA UNION appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: