Nakipagtulungan ang pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa Department of Health (DoH) para magbigay ng mga bagong dental chair para sa 15 health centers sa buong lungsod.
Sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program ng DoH, nakatanggap ang mga sumusunod na sentro ng mga bagong dental chair na naglalayong magbigay ng mas mahusay na serbisyo at mas komportableng karanasan sa mga residente na nangangailangan ng dental check-up at mga serbisyo ang Amparo Health Center, Bagbaguin Health Center, Bagong Silang Ph 1 Health Center. Bagong Silang Ph 9 Health Center, Bagumbong Dulo Health Center, Cielito Health Center, Deparo Health Center, Barangay 178-B Health Center, A. A. Zapa Health Center, Barangay 14 Health Center, Barangay 18 Health Center, Barrio San Jose Health Center, Francisco Health Center, Grace Park Health Center, at Sampalukan Health Center.
Binigyang-diin ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na simula pa lamang ito ng pagpapabuti ng mga serbisyo at pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan sa Caloocan at sinabi rin nito ang kanyang intensyon na higit pang nitong i-upgrade ang mga pasilidad ng health center sa lungsod.
“Simula palang po ito ng pagpapaunlad natin sa mga pasilidad at kagamitan ng ating health centers. Hangarin natin na unti-unting maisaayos ang bawat heath centers sa mga Barangay at maparami ang serbisyong kaya nilang maibigay para sa ating mga kababayan,” wika ni Mayor Along.
Pinasalamatan din ni Mayor Along ang DOH at ang City Health Department (CHD) para sa kanilang patuloy na pagsisikap sa pakikipagtulungan sa pagrereporma ng sistema ng pampublikong healthcare system ng lungsod.
“Nagpapasalamat po tayo sa DOH at sa CHD sa inyong walang patid na pagtulong at pakikipag-ugnayan upang matiyak na maayos ang sistema ng pampublikong kalusugan sa Lungsod ng Caloocan,” pahayag pa ni Malapitan.(BR)
The post Maayos na health center facilities, bagong dental equipment sa Caloocan pangako ni Along appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: