Ni BLESSIE K. CIRERA
TAGUMPAY ang pagpapalabas sa mga sinehan simula Agosto 3 ang kontrobersyal na pelikulang prodyus ng Viva, ang Maid in Malacanang.
Sa mga sinehan na showing ito, dumagsa ang mga manunuof na excited saksihan ang pinag-uusapang MIM na kinatatampukan nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Ella Cruz at Cristine Reyes.
Sa mga nakapanuod na ng MIM, tsinika nila na nag-enjoy daw sila sa kabuuan ng movie kasama na sa pagganap bilang mga kasambahay nina Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo at Karla Estrada.
Mahusay umano talaga ang direksyon at paglalahad ni Direk Darryl Yap ng mga pangyayari sa pamilya Marcos ilang oras bago nila lisanin ang Palasyo at magtungo sa Hawaii na mabigat sa kanilang kalooban.
Iba’t ibang emosyon na ipinakita ng mga karakter sa MIM na ikinatawa at ikinaluha rin ng moviegoers.
Pinalutang ni Direk Darryl ang bawat isa kaya walang lumabas na palamuti sa pelikula.
Kuwela sina La Oro, Beverly at Karla na nagbigay ng katatawanan sa lahat. Pero infairness, napaluha rin ang mga ito sa mga malulungkot na eksena lalo na nung kailangan nang lisanin ng pamilya Marcos ang Palasyo.
Hindi maikakaila na lumutang nang husto si Cristine sa pelikula lalo pa at siya ang gumanap na panganay na anak na anak nina Pangulong Ferdinand at Imelda Marcos na kilalang matapang at palaban, si Sen. Imee Marcos.
Kaugnay nito, nag-donate nga pala ang cast and crew ng Maid in Malacanang ng catering na nagkakahalaga ng P500,000 para sa mga residente ng Ilocandia at Abra na matinding naapektuhan ng nakaraang lindol.
“We hope viewers will understand the simple opening night of our film. Enough of me and my family to show our side of the story and history. It is more important now that we help our countrymen affected by the earthquake,” pahayag ni Sen. Imee.
The post ‘Maid in Malacanang’ patok sa masa, dinagsa ang first day of showing appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
‘Maid in Malacanang’ patok sa masa, dinagsa ang first day of showing
Reviewed by misfitgympal
on
Agosto 03, 2022
Rating:
Walang komento: