Ni ARCHIE LIAO
SINADYA ng broadcaster turned vlogger na si Bernadette Sembrano ang actor turned public servant na si Nash Aguas sa kanyang bahay sa Cavite.
Ani Nash, noong nakaraang eleksyon daw ay confident siya na mananalo dahil may bentahe rin daw na nagagawa aqng popularidad ng isang artista.
Gayunpaman, kailangan daw niyang tumbasan ang tiwalang ibinigay sa kanya ng kanyang constituents para maging karapat-dapat siya sa mga naging boto ng mga ito.
Ipinasilip din niya ang kanyang bahay na kasama niya ang kanyang lola, ina at kapatid.
Ayon kay Nash, bagama’t may mga apartment na siyang naipatayo, mas gusto raw niyang tumira sa piling ng kanyang abuela dahil ito rin ang kagustuhan ng kanyang nakatatanda.
Inamin din ni Nash na simple lang ang lifestyle niya at karamihan sa kanyang investments ay sa lupa at sa negosyo.
Sa naturang vlog din, ipinasilip ni Nash ang kanyang opisina bilang konsehal kay Bernadette.
Nang mausisa naman ni Bernadette kung kailan mag-aasawa ang Kapamilya actor na sumikat bilang Goin’ Bulilit star noon, ani Nash, baka raw magalit ang nobyang si Mika dela Cruz for putting her on the spot.
Gayunpaman, sinagot rin niya nang buong sinseridad ang tanong ng broadcast journalist.
Aniya, kung pag-uusapan daw ang paglagay sa tahimik ay handa naman siya subalit ang hinihintay lang daw niya ay ang kahandaan ng girlfriend.
“Siyempre depende po. Kung kelan ready si Mika. Pero yun, naku magagalit yun sa akin baka na-on the spot siya,” hirit ng natatawang si Nash. “Pero ako naman po, ready naman kasi, na ako anytime nga, actually siya lang naman hinihintay ko,” dugtong niya.
Sey naman ng kanyang lola, bet na niyang mag-asawa ang apo sa edad na 25 o two years from now.
The post Nash bet nang pakasal sa labs na si Mika appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: