Facebook

Mandatory Evacuation Center Bills, muling iginiit ni Bong Go

Muling ipinanawagan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapasa ng kanyang panukala na pagtatayo ng evacuation center sa bawat munisipalidad, lungsod at lalawigan sa buong bansa.

Sa ambush interview matapos personal na magbigay ng tulong sa mga nasunugan sa Bacoor City, Cavite noong Linggo, sinabi ni Go na isinampa niya muli ang panukalang batas sa 19th Congress bilang isa sa kanyang priority measures na tutugon sa kahinaan ng Pilipinas sa mga epekto ng pagbabago ng klima at iba pang natural o sakuna na dulot ng tao.

“Meron na po akong nai-file sa Senado. Itong mandatory evacuation center. Itong Senate Bill 193. Na-i-file ko po noong July. Alam n’yo, kailangan po natin ng maaayos na evacuation center, malilinis na evacuation center sa mga siyudad, probinsya at munisipyo,” ani Go.

“Tignan n’yo po ngayon, eh, kung wala silang maayos na evacuation center, nagagamit po ang eskwelahan. Eh, kung gagamitin na po ito sa pagbubukas ng eskwela, masasakripisyo po ang pag-aaral kung gagamitin po bilang evacuation center,” dagdag niya.

Sa ilalim ng iminungkahing “Mandatory Evacuation Center Act of 2022”, ang pagtatayo ng mga evacuation center sa lahat ng lokalidad ay iimplementa ng Department of Public Works and Highways, mga kinauukulang yunit ng pamahalaang lokal, at iba pang ahensya.

Ang panukalang batas ay nangangailangan ng minimum requirements sa bawat evacuation center, kabilang ang lokasyon, istruktura o kapasidad ng gusali, at amenities and accessibility.

Ang mga iminungkahing mandatory evacuation center ay dapat nakadisenyog kakayanin ang mga super typhoon o bilis ng hangin na hindi bababa sa 300 kilometro bawat oras at aktibidad ng seismic na hindi bababa sa 8.0 magnitude.

Dapat din, anang senador, ay maayos at malinis ang evacuation center kung saan pwedeng makapagpahinga ang mga bata, may sanitation, comfort room, at komportableng higaan bago makauwi sa kanilang tirahan ang mga bakwit.

Bukod dito, naghain din si Go ng SBN 188 na naglalayong magtatag ng isang Department of Disaster Resilience, isang highly specialized agency na may tungkuling tiyakin ang adaptive, disaster-resilient at ligtas na mga komunidad; at SBN 192 na nagtatadhana para sa pagbuo ng isang programa sa pabahay at panlipunang proteksyon na magbibigay sa mga biktima ng sakuna.

“Meron din po akong nai-file sa Senado, itong Rental Subsidy Bill kung saan bibigyan sila ng kalahating halaga ng renta na habang hindi pa sila nakakauwi sa kanilang mga pamamahay. Sana po ay maisabatas po ito dahil mahirap nga pong masunugan,” ani Go.

Tiniyak ni Go na patuloy niyang isusulong ang mas maraming people-centered at service-oriented na batas, gayundin ng mga hakbang na magsusulong ng pambansang katatagan.

“Nag-file ako ng aking unang 20 bill para sa 19th Congress. Ang iba ay nai-refile ko na po mula sa 18th Congress. Ang aking mga nai-file po ay para maging more resilient tayo… ang overall objective ng mga bill na ito is to be more resilient and more adaptable,” ani Go.

The post Mandatory Evacuation Center Bills, muling iginiit ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mandatory Evacuation Center Bills, muling iginiit ni Bong Go Mandatory Evacuation Center Bills, muling iginiit ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Agosto 16, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.