INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American fugitive na wanted sa kanyang bansa dahil sa krimen na ang binibiktima ay mga menor de edad.
Kinilala ni BI-OIC Commissioner Rogelio D. Gevero, Jr. ang takas na si Tye Braxton Stiger, 35 anyos, na inaresto ng mga operatiba mula sa fugitive search unit (FSU) ng BI sa pamumuno ni Rendel Ryan Sy sa Diego Cera Avenue, Last Pinas City noong Sabado.
Ang pag-aresto ay alinsunod sa isang Mission Order na inilabas ng BI, na nag-uutos sa FSU na kunin si Stiger, makaraang makatanggap ng impormasyon mula sa mga awtoridad ng US tungkol sa kanyang mga krimen.
Ayon sa mga rekord na si Tye ay kasalukuyang may warrant of arrest na inisyu ng Lungsod ng Jonesville, Hillsdale County, Michigan noong Hulyo ngayong taon para sa 35 na bilang ng mga kaso na nag-uugnay sa pornograpiya ng mga bata na lumalabag sa Michigan Compiled Laws.
Si Tye ay nagboluntaryo bilang isang guro sa Sunday school sa mga komunidad ng simbahan sa estado ng Michigan, kung saan siya ay di-umano’y nambibiktima ng mga menor de edad sa loob ng anim na taon.
Ang suspek ay iniulat na kinasuhan ng maraming bilang ng aktibidad nang pang-aabusong sekswal sa mga bata. Mahigit sa isang dosenang mga nakatagong video camera sa ibat-ibang lokasyon na ginagamit para i-record ang mga menor de edad ang nasamsam ng grupo ni Sy.
“Ang pag-aresto sa mga kriminal na ito ay palaging prayoridad ng ating ahensya, at ang pag-alis ng mga
masamang elemento sa ating mga lansangan ay nangangahulugan na pinoprotektahan natin ang ating kababayan mula sa kapahamakan,” sabi ni Gevero.
Ang BI, kasama ang Kagawaran ng Hustisya, ay nagpahayag ng kanilang pangako na unahin ang pagpapatapon ng mga dayuhang sex offenders.
Nauna nang inatasan ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ang BI na maging mapagbantay laban sa mga dayuhang pedophile at tiyakin ang kanilang agarang pagdakip at pagpapatapon.
Sa unang bahagi ng buwang ito, nakipagpulong si Secretary Remulla sa mga awtoridad ng US upang talakayin ang pagpapatibay ng kooperasyon sa paglaban sa mga cybercrime, na kinabibilangan ng online na sekswal na pagsasamantala sa kababaihan at mga bata. (JERRY S. TAN)
The post Wanted na American pedophile arestado ng BI appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: