NAKAHANDA na ang AirAsia para sa malakas at pinalawak na ruta nito sa Queen City of the South sa pamamagitan ng pagpapatuloy at pagdaragdag ng higit pang mga flights sa Visayas at Mindanao destinations sa Caticlan( boracay), Davao, Cagayan de Oro at Puerto Princesa, maging ang International destinations tulad ng Seoul,Korea (Incheon) at Kuala Lumpur, Malaysia.
Ayon kay AirAsia Chief Executive officer Ricky Isla, ang muling pagbubukas ng Cebu hub ay nagpapahiwatig na simula na ito ng kanilang pagpapalawak sa domestic at international destination upang mapagaan ang biyahe ng mga manlalakbay.
Aniya, makatutulong din ito sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa dahil pumalo na sa 100% ang nabawe sa ilang domestic destination ng nasabing airline kung saan ay mayroon itong apat na flight schedules kada linggo mula Cebu patungong Cagayan de Oro City samantalang tatlong flights kada linggo naman ang patungong Boracay.
Apat na flights sa Davao City sa loob ng isang linggo mula Cebu City samantalang apat kada araw naman ang patungong Manila at tatlong flights kada linggo sa Puerto Princesa City,Palawan.
Nabatid din na ang Air Asia ay mayroong tatlong flight weekly sa Seoul Korea habang tatlong flight weekly naman sa Kuala Lumpur Malaysia.
Inihayag din ni Isla na mataas ang load factor sa kanilang mga bagong re-opening hub tulad ng Cebu na hindi na kailangan dumaan ng Maynila papunta sa kanilang destinasyon.
Sa kabila nito, bagama’t niluwagan ng LGUs ang travel restrictions ay patuloy pa rin ang health safety protocols at disinfection ng kanilang aircraft upang matiyak na ligtas ang kalusugan ng mga pasahero.
Samantala, tiniyak naman ni AirAsia Corporate Communications Head Capt. Steve Dailisan na patuloy ang kanilang ‘super low fares promo’ at magkakaroon pa sila ng Php 99 promo sa buwan ng Setyembre 2022.
Ito aniya ay bahagi ng pagpapalakas na domestic at international destinations ng AirAsia upang makatulong sa muling pagbangon ng turismo sa bansa.(JOJO SADIWA)
The post AirAsia nagpalakas ng Cebu hub sa VisMin flights appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: