Facebook

SA DA: MGA HAYOP SA DAMO, DAMI PA SILA!

NAIINTINDIHAN na ni Juan kung bakit pinili ni Pangulong Bongbong Marcos ,Jr. na pamunuan muna ang kagawaran ng Agrikultura higit kaninupaman.

Sa mga naglalabasang kontrobersiya ngayon sa DA, walang ibang makakapigil ng mga kalokohan sa departamento kundi siya.

Matagal nang snake pit ang departamentong ito na malaon nang nagpagapang sa hirap ng ating mga magsasakang ironically ay taga- produce ng ating mga esensiyal na pinagsasaluhan sa hapag- kainan.

Ang lalakas ng loob ng mga pesteng nkapuwesto pa rin na isang maliwanag na paghahamon sa liderato ni PBBM.

Marami pang mga kampon ng mga dilaw ang di pa nababaklas sa kagawarang kahit di magtanim ay may aanihin para sa kanilang bulsang sobrang lalim dahil sa iligal na pag-aangkat ,sindikato sa loob at ismagling.

Akala niyo malulusutan at maiisahan si PBBM?Sadyang may mga ahas pa sa kabukiran at linang.

Sampolan niyo pa Apo Bongbong ang mga latak na peste sa DA.Di na uubra ang mga palusot ng mga kruk na yan di lang sa agrikultura kundi sa lahat ng kagawaran ay may naglulungga pang kawatan.

Hinahamon din ng mga ulupong ang katatagan ng Punong Ehekutibo Marcos at ni E.S.Atty. Vic Rodriguez.

You can not put these two good men down!..ABANGAN!

LOWCUT: Sa ibang mga bansa,ay tunay na tinitingala at iginagalang ang pagiging isang magsasaka. Sila lang naman kasi ang source ng pagkain ng sambayanan.Sa bayan ni Juan,ang magsasaka ang siyang nagdarahop at halos walang maisaing na bigas para sa pamilya kung hindi mangungutang.Kaya di maipagmalaki ng anak ang amang magsasaka na dapat ay isa sa mayaman sa lipunan at inaalagaan ng pamahalaan.May mali sa kalakaran ng buhay sa ating bayan,Si PBBM ang tutugon diyan… ABANGAN!

The post SA DA: MGA HAYOP SA DAMO, DAMI PA SILA! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SA DA: MGA HAYOP SA DAMO, DAMI PA SILA! SA DA: MGA HAYOP SA DAMO, DAMI PA SILA! Reviewed by misfitgympal on Agosto 16, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.