NAGSIMULA na ang ensayo ng Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa 4th window ngFIBA World Cup 2023 Asian Qualifier.
Isinagawa ang ensayo sa Meralco Gym sa Ortigas Avenue sa Lungsod ng Pasig kung saan dumalo si Gilas coach Chot Reyes kasama sina Barangay Ginebra San Miguel coach Tim Cone at Gilas assistant coach Josh Reyes.
Bukod sa mga Gilas mainstay na sina Kiefer at Thirdy Ravena, Bobby Ray Parks, Kevin Quiambao, Dwight Ramos, Francis Lopez, Carl Tamayo ay kabilang din sina Calvin Oftana, Jamie Malonzo at Kevin Alas.
Nakasama rin ang dalawang manlalaro ng Magnolia Hotshots na sina Jio Jalalon at Ian Sangalang.
Nanood din sa ensayo si Samahang Basketball ng Pilpinas (SBP) executive director Sonny Barrios sa unang ensayo ng Gilas.
Magtutungo sa Beirut, Lebanon ang Gilas sa Agosto 25 para makaharap ang 2022 FIBA Asia Cup silver medalist na Lebanon at sila ay babalik sa bansa para sa pagharp sa Saudi Arabia sa darating na Agosto 29 na gaganapin sa Mall of Asia Arena.
The post Ensayo ng Gilas nagsimula na appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: