Facebook

Marinero wagi vs La Salle sa Game 1

PINAMUNUAN ni Juan Gomez de Liano ang opensa ng Marinerong Pilipno, 72-67 kontra EccoOil-La Salle sa Game 1 ng PBA D-League Aspirants Cup Finals, Linggo sa Araneta Colesium.

Umiskor si Gomez de Liano ng anim sa huling puntos ng Skippers, kabilang ang dagger sa 13.9 segundo na nalalabi para iangat sa 68-64.

Ang dating UAAP Rookie of the Year ay nagtala ng 14 rebounds,seven assists, at four steals sa 30 minutong aksyon.

Adrian Nocum kumamada ng 22 points, habang si Go ay bumakas ng 15 points matapos magsalpak ng tatlong three-pointers sa laro. Gamboa nagdagdag ng 14 points at six rebounds.

Hawak ng Marinerong Pilipino ang 1-0 lead ng best-of-three- series, abot kamay na ang mailap na PBA D-League crown. Ang Skippers ay nagtapos runner up sa 2019 Foundation Cup.

Deschon Winston tumabo ng 21 points on 8-of-13 shooting para sa La Salle, CJ Austria 15 points,habang si Mike Phillips nag-ambag ng seven points,16 rebounds, at two blocks para sa Green Archers.

Game 2 ng Finals ay sa Miyerkules, sa Big Dome.

Ang Iskor:

Marinerong Pilipino 72 — Nocum 22, Go 15, Gamboa 14, Gomez de Liano 9, Bonifacio 5, Pido 4, Manlangit 3, Carino 0, Soberano 0,

EcoOil-La Salle 67 — Winston 21, Austria 15, Quiambao 9, Nelle 8, M. Phillips 7, Estacio 4, B. Phillips 3, Manuel 0,

The post Marinero wagi vs La Salle sa Game 1 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Marinero wagi vs La Salle sa Game 1 Marinero wagi vs La Salle sa Game 1 Reviewed by misfitgympal on Agosto 21, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.