HINDI pa nabibigyan ng liwanag ang isyu ng anomalya tungkol sa pagbigay ng pahintulot sa Sugar Regulatory Administration. Ito ay kung sino ang nagpahintulot sa pag-angkat ng asukal.
Habang sinusulat ko ang kolum na ito, wala pa rin umaamin. Ang dahilan umano ay ang kasalukuyang pagkakulang sa sulay ng asukal, bagay na pinabulaanan ng United Sugar Producers Federation. Ayon kay Manuel Lamata, pangulo ng nabanggit na samahan, hindi maaaring magkaroon ng kakulangan sa asukal, gawa ng sapat ang suplay ng asukal, lalo na ang nanggagaling sa Negros.
Gayunpaman, ayon sa presidential spooksperson Trixie “Carding” Angeles, na aangkat sila ng asukal, at uupo si Mr. Lamata kabilang ang mga kinatawan ng kasalukuyang gobyerno upang pag-usapan ang plano ng administrasyon ni BBM. Subalit salungat ito sa unang pahayag ni BBM na nababalot pa rin sa pagtatalinhaga dahil nakaraan ang isang raid na isinagawa ng Bureau of Customs sa isang bodega sa Pampanga klung saan nakuha ang libu-libong sako ng asukal. Marami ang nagsasapantaha ng raid ay patunay na artipisyal ang shortage sa asukal at binobodega ito upang mamanipula ang presyo nito sa merkado. Nagsabi kamakailan ang pangulo na hindi tayo mag-iimport ng asukal dahil marami tayong stocks ng asukal. Ngunit biglang “about-face” siya at pinahintulot ang pag-angkat ng 150,000 metric na tonelada.
Marami tuloy ang nag-iisip na ang naganap na raid ay pampakalma sa mga nagagalit, isang nagmimistulang estratehiya na “wag-the-dog,” isang paraan pampalamig ng ulo ng apektado. Sa ngayon ito ay pangkaraniwang gawain, na kahit mga matitinong negosyante alam, o naging gawain ang kalakaran ito. Noong Biyernes binalita ni Carding na ibababa sa P70 kada kilos ang halaga ng asukal sa pamilihan alinsunod sa pakikipag-usap nila sa mga suppliers, supermarkets at mga wholesaler.
Tinatanggap ang kakulangan sa bigas, langis at de-lata ginagawa ito at kahit ito ay “artipisyal”, tinatanggap ng publiko na normal ito. Pero maganda sinabi ni JR Santiago, netizen at isang social critic: “Saying that we should be more worried about dying from diabetes instead of the sugar crisis is like saying we should worry more about obesity rather than worrying about people not having enough to eat because of poverty. Saan nila nakukuha ang logic?…”
Sa katulad kong may Type 2 diabetes, ito ang masasabi ko. Alam ko may krisis sa pagkain kapag ang Spam ay kinakandado sa pamilihan. May tama ba ako?
***
Nakinig ako kay Ka Percy Lapid sa programa niyang Lapid Fire, at doon ko narinig ang mga katagang “MGA PULANDIT NA NABUBUHAY SA PISPIS. Sa Ingles ito ay “strays living off scraps.”
Napaisip ako. At sa aking pagninilay, naarok ko na marahil ito ang pinakamalaking dahilan kung bakit tayo nagmimistulang pulandit ay nakaluklok ang mga pulitiko na tingin ay nararapat lang tayo sa pispis. Marahil ito rin ang dahilan kung bakit malalakas ang loob ng kinauukulan na gumawa ng mga bagay tulad ng binanggit ko sa umpisa ng kolum na ito. Nakaluklok ang mga namamahala na tingin sa Pilipino mga pulandit.
Nararapat sa ganitong situasyon na pagnilayan din natin ang sinabi ni Salman Rushdie nang sabihin niya ito tatlong buwan ang nakalipas: “A poem cannot stop a bullet. A novel cannot defuse a bomb. But we are not helpless. We can sing the truth and name the liars…”
Hangga’t nakaluklok ang mga matapobreng katulad ni Cynthia Villar na nagsasabing hindi dapa ang low-cost housing sa Las Piñas dahil sa taas ng presyo ng lupa; hangga’t may katulad ni Usec Paterna Ruiz ng Anti-Poverty Commission na nagsasabi kayang mabuhay sa P12,000 kada buwan, isama na ang gagong taga Philippine Statistics Authority na nagsabing kung lalagpas sa P18 kada kain mo hindi ka “food poor”; hangga’t hindi sila bumaba mula sa kinalalagyan nilang tungtungan, at makipagsalamuha sa kanilang kapwa; hangga’t hindi tayo nagsalita, hindi manunumbalik ang paglingkod ng mga lingkod-bayan.
Mananatili tayong mga pulandit na umaasa lamang sa pispis.
Kasihan nawa tayo ng Poong Kabunian.
***
Pandagdag-kaalaman: “Pareidolia” is putting a meaning on a word you do not understand”. Sa Pilipino ito ay paglagay ng kahulugan sa salita na hindi mo naiintindihan na kadalasan ay mula lang sa sariling interpretasyon.
Parang kantang “Asereje” ng grupong Las Ketchup na hindi maintindihan kaya “Satanic” ito.
Ang totoo halaw ito sa kantang Rappers Delight ng Sugar Hill Gang kung saan may lyrics na “nag-uumpisa sa: “I said-a hip, hop, the hippie, the hippie To the hip hip hop-a you don’t stop the rock…”
Dahil hindi marunong ng Ingles ang Los Ketchup, ginawa nilang:
“Aserejé-ja-dejé, De jebe tu de jebere seibiunova majavi an de bugui an de bíp…”
Parang “Stairway To Heaven” pag tinugtog daw ng baligtad, ang naririnig ay galing sa halimaw at nakakatakot, kaya marami nagniniwala na ito ay tunog ng demonyo.
Ang “backward masking” ay paraan na ginagamit ng audio engineer sa audio editing at hindi ito kasangkapan sa pakikipaglaban sa demonyo. Tandaan, kung bibili ka ng plaka upang pakinggan ito habang tumatakbo ito ng baligtad ito lang masasabi ko: IKAW AY DEMONYO.
***
Mga Harbat Sa Lambat: “’Ghosting’ bill, cable cars to ease traffic at EDSA;
In a country experiencing a lot of shortage (kuno) we seem to have an oversupply of idiots! Most of them ‘brilliant’ enough to land a spot in the seat of power. Welcome to the Golden Age!…” -Norman Naguit
“In the Philippines today when you help the poor, you will be tagged as a communist as if it is a crime to be one. You do not need political affiliation or religion to help, you just need a feeling of heart. Unfortunately, the Philippine government is heartless…”- Fr. Roland “Nosi” Balase
“Bakit daw hindi gawing libre ang Catholic schools? Hmm. Patulan natin. Gusto mong libre ang Catholic schools? Mag-donate ka. If not, let part of the taxes paid to government be given as support to Catholic schools…” – Fr Nongnong
***
mackoyv@gmail.com
The post MGA PULANDIT NA NABUBUHAY SA PISPIS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: