Isa pang dagdag sa trapik ay itong kaliwa’t kanang pagbubungkal ng DPWH at Maynilad. Kung bakit kasi noong walang face to face ay hindi nagtrabaho ang mga animal na ito! Ang tagal pa naman nilangg gumawa. Inaabot ng buwan hanggang kalahating taon.
Dapat orderan ni Pangulong BBM itong DPWH at Maynilad na gawin nilang 24 oras ang kanilang mga proyekto para matapos agad at hindi sagabal sa trapiko. Peste!
***
ANG Kongreso ay isang institusyon na tumatakbo sa mga patakaran o rules. Mahalaga ito dahil sa dami ng mambabatas, lampas 300 sa House at 24 sa Senado. Kailangang may set of rules na susundin ng lahat para maayos ang takbo ng diskusyon. Madalas paaalahanan ng mga mambabatas ang isa’t isa sa rules dahil nailatag na ang mga ito at mas madali ang trabaho nila kung susundin. Masalimuot man, ine-expect ang lahat ng mambabatas na alamin at kabisaduhin ang rules.
Kaya’t medyo kataka-taka na parang hindi alam ni Senador Risa Hontiveros ang rules pagdating sa kung sino ang nasa minority. Kita natin ito sa pagpili noong Martes ng Minority Leader sa Commission on Appointments (CA) na binubuo ng mga miyembro ng House of Representatives at Senate. Si Senador Alan Peter Cayetano na isang independent sa Senado ang napili, at gayong hindi naman ito tinutulan ni Hontiveros, humirit ito sa isang manifestation na may “serious concern” daw siya. Hindi raw “original member” ng minority si Cayetano sa Senado.
Sa pahapyaw na tingin, may katuwiran si Hontiveros.
Sa Senado kasi, ang tinatawag na “Minority” ay binubuo niya bilang Deputy Minority Leader at ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III bilang Minority Leader.
Si Cayetano naman, kasama ng kanyang ate na si Sen. Pia Cayetano, ay pinili maging “independent” — para maaari silang kumilos nang malaya at hindi puro lang tutol o protesta ang gagawin.
Pero ano ba ang katotohanan? Ayon din mismo kay Hontiveros, ang Supreme Court na ang nagsabi na ang Senado lang ang maaaring magpasiya kung sino ang nasa minority. At ano ang pasiya ng Mataas na Kapulungan?
Pakinggan natin ang paliwanag ni Cayetano: “Based on the rules of the Senate, if you vote for the Senate President, you are in the majority; if you do not, you are in the minority.”
Simple. Wala nang pasikot-sikot na mga dahilan. Karapat-dapat mapiling Minority Leader si Cayetano sa CA dahil base na mismo sa rules at tradition ng Senate, nasa minority rin siya dahil hindi niya ibinoto si Sen. Juan Miguel Zubiri bilang Senate President.
Mukhang bitter lang si Senador Hontiveros dahil hindi siya ang napiling Minority Leader. Pero ganyan lang naman talaga ang takbo ng buhay: hindi maaaring sa lahat ng bagay ay nasa posisyon tayo. At sa isang demokrasiyang buhay na buhay tulad ng Pilipinas, dapat i-expect na natin na minsan ay hindi natin makukuha ang gusto natin. Minsan mananaig din ang tama, at dapat hindi tayo maging bitter kung mangyari ito. Mismo!
The post Maynilad at DPWH ‘projects’ sagabal na sa trapiko, at si ‘bitter’ Risa appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: