ILALAAN ko muna ang pitak na ito, upang makilatis ninyo ang masigasig na hepe ng Arayat Municipal Police na si Lt.Col. James S. Edejer.
Masigasig, dahil nang makilala ko ang mamang ito at naka-usap ang mga taga-Arayat, malaki raw ang pinagbago ng kanilang lugar. Una nabawasan ang mga petty crimes na tinatawag, naging tahimik ang kapaligiran at walang pa-gago-gago sa lansangan.
Paano ko rin nalaman ang iba pang pinaggagawa nitong si Col. Edejer? Eh di sinislip ko sa kanilang headquarters ang mga diskarte ng kanyang mga operatiba.
Sa buwan pa lamang na kasalukuyan, nakapagsagawa na ang mga bata ni Kernel Edejer ng isang-daang (100) checkpoints at 600 na mobile patrol. Kaya pala tumino ang mga lansangan ng Arayat.
Nagkaroon din ng 25 ‘operation bulabog’, kung saan ang mga iligal na pagtitipon, sugal o inuman man ay sinisita. Mayroon ding 256 na operasyon ng ‘oplan katok’, tungkol naman ito sa iligal na paggamit ng mga bawal na gamot.
Ang kanilang oplan galugad ay nakapagtala na ng 25 beses, kung saan nakuha o nakapanumpiska ng dalawang baril.
May mga 138 katao ang nasita at naimbitahan sa kanilang police station. Pito (7) ang naaresto sa iba’t ibang uri ng violations at dalawa (2) naman sa pagnanakaw, samantalang isa ang dinakip dahil sa ‘direct assault on person with authority’.
May nakuhang 243 na mga motorsiklo na kaduda-duda ang pagmamay-ari. Dalawa rin ang nahuli dahil sa pakiki-apid.
Nakapagtala rin sila ng isang shooting incident kung saan sinampahan ng ‘frustrated murder’ ang may sala.
Sampu (10) ang nahuli na, sa pasugal, na nakakumpiska ng mahigit P90K na pera.
Sa illegal drugs ops, ang mga bata ni Col. Edejer ay nakapang-aresto ng tatlong katao at naka kumpiska ng pitong sachet ng shabu na tinatayang lagpas apat na gramo (4+ grams).
Sa mga datos na ito na pang- August lamang, na aking nakuha, siguradong tahimik na nga ang bayan ng Arayat at ang mga maloloko sa lugar na ito ay tiyak na may paglalagyan. Mabuhay ka Col. Edejer! Saludo ako sa iyo at sa buong pwersa ng Arayat Municipal Police! Keep up the good work!
The post COL. EDEJER NG ARAYAT POLICE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: