Facebook

PANGGUGULO NG MAKABAYAN BLOCK SA DEPED, GANTI NI BELLO KAY VP INDAY SARA DUTERTE

Mukhang sinakayan ng Makabayan block ang diumanong “overpriced” laptops issue sa Department of Education (DepEd) upang ipaghiganti ang pagkaka-aresto dahil sa libel ng kauri nilang si Walden Bello. Para sa mga hindi nakakaalala, si Bello ang dating mambabatas na naging talunang 2022 vice presidential candidate at kritiko ng katunggali dati na ngayo’y Vice President at DepEd Secretary na si Inday Sara Duterte.

Sana harapin na lamang ni Bello ang libel na sinampa ng dating information officer ni Vice President Inday Sara na si Jefry Tupas, kesa sa magsisigaw sa likod ng mga kakampi na parang hindi tunay na lalaki na kayang manindigan.

Kampi-kampihan ang tema ng grupong Makabayan at waring pati ang mala-itlog na pulang kaalyado daw ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Senator Koko Pimentel ay sasali sa pag-imbestiga sa isyu ng DepEd “overpriced” laptops. Maalala nating pilit sinusubo kay dating Pangulong Duterte ng pangkat ni Pimentel ang kandidatura para sa pagka pangulo ni dating senador Manny Pacquiao. Hindi umubra ang pamimilit ni Sen. Koko at siya pa ang nawala sa partidong tinatag ng kanyang amang si dating Senador Nene.

Ganun naman talaga ang istilo ng mga kaliweteng organisasyong inugnay ni Joma Sison sa teroristang CPP NPA NDF, gagawa ng ingay at gulo para mapagkaisahan na itaob ang kalabang mga duly elected officials. Sa ingay at gulo lang sila magaling, at kapag nakuha na ang gusto eh iiwanang watak watak at pobre pa rin ang dati sana’y maayos, may asenso, at mapayapang mga mamayan.

Sa isyu naman ng overpriced laptop na sapilitang idinidikit sa pangalan ni VP Inday Sara, ginawa lamang ng malisyosong interpretation ang Audit Observation Memorandum bilang 2022-08 (2021) na nilabas nung April 27, 2022.

Taliwas sa nilabas na balita, hindi overpriced at sumunod sa specifications ng PS-DBM ang P2.4 bilyon na halaga laptop na para sa mga teachers ng DepEd. Ayon sa news release ng joint venture of Sunwest Construction and Development Corporation (SCDC) at LDLA Marketing & Trading, Inc. (LDLA) na nag-supply ng laptop:

The group said the laptop sets are priced competitively based on the required specifications taking into account the cost of the unit, peripherals, software, commercial grade durability, comprehensive 36-months warranty and technical support anywhere in the Philippines, including nationwide delivery and other add-ons. This also includes customization of the items/units as required by DepEd.

“The public should also note that the Dell Latitude 3420 laptops delivered to the government were custom-built direct from the factory and according to the requirements needed by DepEd and therefore cannot be easily equated to a regular off-the-shelf consumer unit. It is inaccurate and unfair to say that the offered price is for the laptops alone,” the group added.

Sana mabasa ng publiko ang AOM ng COA sa DepEd Laptop para makitang ang COA pa mismo ang namimilit lagyan ng obsolete na processor ang mga laptop kesa sa pinakabago’t mas mabilis na processor. Bukod pa diyan sa maling unawa ng COA sa ballistic nylon na laptop bag sa mas matibay na polyester na laptop bag. Tila rin nag-hang ang utak ng COA sa Microsoft Software licensing ng Dell at pilit na pinapa specify ang model ng computer kung saan ika-karga ang Microsoft Software.

Lahat ng ito ay pawang mga ga-munggo na issue na pilit pinalalaki ng tropa ni Bello para gantihan si VP Inday Sara.

The post PANGGUGULO NG MAKABAYAN BLOCK SA DEPED, GANTI NI BELLO KAY VP INDAY SARA DUTERTE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PANGGUGULO NG MAKABAYAN BLOCK SA DEPED, GANTI NI BELLO KAY VP INDAY SARA DUTERTE PANGGUGULO NG MAKABAYAN BLOCK SA DEPED, GANTI NI BELLO KAY VP INDAY SARA DUTERTE Reviewed by misfitgympal on Agosto 22, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.