SUPORTADO ni Manila Mayor Honey Lacuna ang apela na ginawa ni Division of City Schools (DCS) Supt. Magdalena Lim sa mga taga-media na maging patas at responsable sa pagbabalita upang hindi malagay sa alanganin ang mga guro at ma-expose ang mukha ng mga estudyante nang walang pahintulot ang mga magulang.
Ang apela ay ginawa ng hepe ng DCS matapos na ang isang news organization ay magpost ng isang video na umanoy pinaupo sa sahig ng guro ang kanyang mga estudyante sa Jose Abad High School dahil sa kakulangan ng silya para sa 43 estudyante.
Labis na ikinalungkot ni Lacuna ang ipinost na video dahil kabaliktaran ito sa nakalagay sa ulat, dahil kitang-kita sa video na maraming bakanteng silya sa background.
Unfair para sa mga opisyal ng paaralan ang nasabing report, ayon sa lady mayor dahil halos magkandahirap ang mga opisyal at guro ng paaralan upang tiyaking maayos at ligtas ang pagbabalik ng mga estudyante sa in-person classes nang walang sagabal at suliranin.
Ayon kay Lacuna, iniulat sa kanya ni Supt. Lim sa pamamagitan din ng validation ng principal nito na ang guro sa nasabing report report ay sinadyang i-re-arranged ang mga silya para sa kanilang group activity para sa orientation at psychosocial support tasks.
“It was discovered further that the post on social media was not authorized nor consented. There was no coordination between the school officials and the alleged correspondent. Per school’s security protocol, it did not go through the process of securing a permit or request, statement as to the purpose of the visit and proper consent to take photos of the minor learners. Moreover, the alleged posting of the photo on social media exposing the faces and identity of the minor learners without the consent of their parents or guardians might constitute a breach or violations under data privacy law,” ayon sa ulat ng DCS sa alkalde.
“Worse, the post is malicious and fabricated purposely to malign the teachers and school officials of Jose Abad Santos High School,” ayon pa sa pahayag.
Base sa school’s property custodian, ang nasabing paaralan ay may mga sumusunod: 1,859 armchairs; 1,200 chairs with desk; at 120 laboratory chairs, 3,179 sa kabuuan.
“Having 62 instructional classrooms and the number of chairs available, it is appropriate to note that the school has an average of 51 chairs per classroom, which is more than enough to accommodate the learners,” pahayag pa ng DCS.
Ayon pa sa DCS : “Our teachers and school heads worked tirelessly just to ensure the safe and smooth opening of our classes. We hope that they would be in the same news and spotlight to recognize their efforts and sacrifices for advancing the interest and welfare of our learners and children in the time of COVID-19 global pandemic.”
“Known as a Division with highly-dense population of learners in a limited buildable space, DCS-Manila laid the blueprint on how to ensure adaptive and responsive Oplan Balik Eskwela,” dagdag pa nito. (ANDI GARCIA)
The post Mayor Honey, suportado ang apela ng hepe ng DCS sa patas at responsableng pagbabalita appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: