Facebook

Presyo ng Tinapay, walang pagtaas sa kabila ng taas presyo ng asukal

Tiniyak ng isang grupo ng panadero na hindi pa magtataas ang presyo ng kanilang pandesal sa kabila ng mataas na presyo naman ng pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.

Ayon kay Luis Chavez, ang Presidente ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino,kanila na lamang babawasan ang gagamiting asukal upang maiwasan ang taas presyo sa tinapay.

“Sa standard na ginagamit natin na anim na kilo sa isang sako ng harina,ibababa natin ito ng mga apat na kilo ng asukal,” ani Chavez.

Ito aniya ang nakikitang pinakamainam na paraan sa industriya na gagawin upang hindi magtaas ng presyo ng tinapay.

Sa ngayon ayon kay Chavez, mayroon pa silang suplay o stock ng asukal ngunit sa susunod na mga araw kung may paggalaw sa presyo o may kakulangan sa supply ng asukal ay kanila itong pag-aaralan para naman sa presyo ng cakes at pastries.

Maaring itaas ng sampu hanggang 100 piso ang dagdag sa presyo ng cakes at pastries dahil anila hindi puwedeng isaalang-alang ang kalidad ng kanilang produkto.

Ang asukal ang isa sa pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay ng mga panaderya na ngayon, aabot na sa halagang P95 kada kilo ng puting asukal. (Jocelyn Domenden)

The post Presyo ng Tinapay, walang pagtaas sa kabila ng taas presyo ng asukal appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Presyo ng Tinapay, walang pagtaas sa kabila ng taas presyo ng asukal Presyo ng Tinapay, walang pagtaas sa kabila ng taas presyo ng asukal Reviewed by misfitgympal on Agosto 23, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.