Facebook

LIBRENG CALLS AT CHARGING STATION SA MGA LUGAR NA BINAGYO

Batay sa MEMORANDUM Order No. 05-04-2012 ng National Tele Communications (NTC) ay inaatasan ang lahat ng Telecommunications na seguraduhing may sapat na numero ng technical and support personnel at standby generations na may extra fuel, tools at spare equipment sa lahat ng mga lugar na naapektuhan ng bagyong Florita.

Batay sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, alas-10:30 kaninang umaga (August 24, 2022), ang bagyong Florita ay rumagasa na sa Maconacon Isabela.

Bunsod nito ay inaatasan ang lahat ng Telecommunications na bilisan ang pag-aayos at restoration ng telecommunication services para mapagserbisyuhan ang mga naapektuhan ng bagyo.

“Further, you are also directed to deploy Libreng Tawag and Libreng Charging Stations in strategic areas affected by the typhoon. You are also reminded to coordinate with the LGUs and observe strict health protocols to avoid transmission of coronavirus disease (COVID-19). The Commission will expect status updates every six (6) hours of ongoing restoration activities being performed on your network and facilities and a timeline for the full restoration of service,” pag-aatas ng NTC.

The post LIBRENG CALLS AT CHARGING STATION SA MGA LUGAR NA BINAGYO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LIBRENG CALLS AT CHARGING STATION SA MGA LUGAR NA BINAGYO LIBRENG CALLS AT CHARGING STATION SA MGA LUGAR NA BINAGYO Reviewed by misfitgympal on Agosto 23, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.