Ni ARCHIE LIAO
INAMIN nina Sean de Guzman at Cloe Barretto na tinablan sila sa mga maiinit na eksena nila sa pelikulang The Influencer na idinirehe ni Louie Ignacio.
Sobra kasi silang nadala sa kanilang karakter sa nasabing obra na isinulat ni Quinn Carillo.
Bukod sa sobrang na-challenged sa kanilang roles, itinodo na raw nila ang kanilang magagawa to give justice to their roles.
Ayon pa Kay Sean, ang role raw niya bilang social media influencer na naging biktima ng physical abuse ng kanyang stalker na fan ang isa sa mga physically at emotionally exhausting role na nagampanan niya.
May mga eksena kasing kailangan siyang itali at balahurain ng kanyang fan sa puwersahang pakikipagtalik dito.
Sa kaso naman ni Cloe, sobrang nae-enjoy daw niya ang ganoong klase ng dark role bilang obsessed fan na mas naipapakita niya ang lawak ng kanyang acting range.
Para naman kay Sean, bagama’t hindi raw niya isinasara ang puso sa pakikipagrelasyon, nananatiling prayoridad daw nila ang kanilang mga trabaho.
Kung sobra raw mang naging realistic ang kanilang sex scenes, ito ay dahil matagal na raw ang pinagsamahan nila sa iisang management at kumportable na sila sa isa’t isa.
Hirit pa ni Cloe, takot din daw sila sa kanilang manager na si Len Carillo at malaki ang respeto nila sa kanilang samahan na para na silang magkaka patid.
Tam pok din sa The Influencer sina Elizabeth Oropesa, Ruby Ruiz, Karl Aquino, Calvin Reyes at Quinn Carillo.
Streaming na ang The Influencer sa Vivamax simula sa Agosto 12.
The post Sean at Cloe tinablan sa sexy scenes pero ‘di talo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: