DISMAYADO ang ilang Pinoy researchers sa pagkakaluklok sa bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority na susuong sa problema sa baha at trapiko sa Kalakhang Maynila.
Ayon sa kanila, nakababahala ang ulat na posibleng magsilbing ‘seatwarmer” si Engr. Carlo Antonio Dimayuga III para sa kanyang tunay na boss na si Anakalusugan Congressman Mike Defensor.
Batay sa kanilang pagsasaliksik, si Dimayuga ang chief of staff ni Defensor sa naturang partylist at tumulong din ito sa kanyang kandidatura bilang alkalde ng Quezon City.
Nakasaad umano sa batas na bawal ma-appoint ang natalong kandidato sa gobyerno hangga’t hindi pa lumilipas ang isang taon kaya nauso ang tinatawag na “seatwarmer”.
Madalas umanong nagkakaproblema sa mga ahensya kapag seatwarmer lang ang nakaupo, sapagka’t alam naman ng opisyal na papalitan siya, kaya hindi nila sineseryoso ang kanilang trabaho.
Lalong nadismaya ang ilang netizens sa pahayag ni Dimayuga nang batiin ito sa pagkakaluklok sa kanya sa naturang pwesto na “temporary lang ito, bababa rin ako kapag ok na si Mike.”
Umaasa ang mga ito na mapipigilan ni Pangulong Bongbong Marcos ang palakasan at praktis na pag-appoint ng ‘seatwarmer’ sa mga kritikal na ahensya ng pamahalaan gayundin ang pagbabayad-utang sa mga natalong kandidato.
Anila pa, dapat ang appointment ay base sa pagkadalubhasa at kwalipikasyon at hindi sa palakasan.
The post Seatwarmer sa MMDA ikinabahala appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: