Facebook

TUMABO O NILANGAW?

NAKAKABAGABAG ng damdamin ang mga pangyayari ngayon sa pag-alma ng China sa dalaw ni Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan. Tila nasipa ang paang nirarayuma dahil paglabag daw ito sa “One-China-Policy.” Dahil dito binalaan ng Embahada ni Xi Jinpi ang pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang sugo, Huang Xilian, na itago natin sa bansag na “Ponga.” Nagbabala si Huang na kailangan obserbahan ng Filipinas ang One China Policy.

Dahil ditto, naglabas ng “note verbale” si Senadora Riza Hontiveros. Sinabi niya huwag maging “presumido” itong si Ambassador Ponga at huwag diktahan ang Republika ng Pilipinas. Ito ay malayang bansa at sumusunod ito sa sarili nitong malayang polisiyang panlabas. Bukod dito, may karapatan ang Republika ng Pilipinas na pag-aralan, baguhin, at amyendahan ang layunin ng polisiyang panlabas nito, aniya.

May palaala ako kay Ambassador Ponga na ang prinsipyo ng One-China Policy ay hindi nagmula sa Tsina ni Xi. Nagsimula ito noong 1946 nang naging kasapi o permanent member ng Security Council ng United Nations ang Tsina, na noon ay nasa pamamahala ng Kuomintang na itinatag ni Sun Yat Sen.

Nang sinakop ng Komunistang Intsik sa pamumuno ni Mao Tse Tung ang Tsina noong 1949, ang gobyernong Kuomintang na noo’y nasa pamumuno ni Generalissimo Chiang Kai sek ay tumakas patungo sa isla ng Formosa at doon itinatag ang gobyerno ng Kuomintang. Magmula noon ay itinuturing ng Maoist China ang Taiwan na isang taksil na probinsya at kaaway. Ang isla ng Formosa ay ang ngayo’y Taiwan ang luklukan ng Republika ng Tsina. Ang pamahalaan ng Taiwan ang nauna kaya sila ang tunay at lehitimong pamahalaan.

Paalaala lang kay Xi at Ambassador Ponga: Huwag mayabang dahil hindi kayo ang lehitimong gobyerno ng Tsina. Ang Republika ng Tsina na itinatag ni Sun Yat Sen ang lehitimong pamahalaan ng Tsina. Ngayon, inilalagay niyo ang buong rehiyon sa pangangamba bunga ng inyong pangduduro. Nakalulungkot dahil dinuduraan niyo sa mukha ang bawat Tsinong nagpasyang lumisan dahil sa inyong karahasan. Isama ninyo na rito ang bawat Tsinoy at kanilang ninuno na nagpasyang lumisan upang umiwas sa inyong mga galamay at tanilkala.

Hindi kayo lehitimo. Bully lang kayo.

***

NAGMISTULANG umaatikabong “Battle Royale” masasaksihan natin sa pagitan ng dalawang pelikula. Ito ang pelikulang Katips, at Maid In Malacañang. Kung ikukumpara, ang una ay kwento ng karanasan ng mga taong naging bahagi ng buhay sa ilalim ng Batas-Militar ng diktadurya ni Ferdinand Marcos. Sila ang mga nakibaka laban sa estado noong mga panahon na iyon. Bagama’t ito ay nagsimula bilang isang dulang pang entablado, isinapelikula ito bilang pantapat sa “Maid In Malacanang” ni Imee Marcos.

Ang Maid In Malacanang ay base sa kwento ng isang nagtatrabaho bilang kasambahay sa Malacanang ilang araw bago lumisan ang mga Marcos. Base daw ito sa tunay na kwento ng kasambahay. Pero ayon sa direktor nito ibinasura niya ang pagsaliksik dahil ayaw niya iyon. Hindi maganda ang naging dating nito sa mga lantay na tagapagsaliksik, at mga historyador.

Umani na ng maraming batikos si Darryl Yap nang umamin siya na nakikipag relasyon siya sa mga bata; lalong humamig siya ng batikos sa mga berdaderong historyador, katulad ni Xiao Chia na binibigyan siya at ang pelikula niya ng “one-middle finger salute”.

Sa pagmamaliit ng naturang direktor sa mga katulad ni Prof Xiao, isama mo na rin ang aking “one-middle finger-salute.” Hindi na ako magbibigay ng opinyon dito, dahil maliwanag ang layunin ng pelikulang ito ay pabanguhin ang imahe ng pamilyang Marcos.

Hindi ito pwedeng maging isang “historical narrative” kundi fictional film bordering on fantasy.” Sa karanasan ko sa larangan ng pelikula, ang basehan ng lahat ng ito ay kung kumita ba ito sa takilya? At sa tingin ko hindi dapat sisihin ang mga gumanap dahil trabaho ito, lalo na sa mga panahon na ito na sadsad ang kabuhayan ng mga nasa industriya ng pelikula. Pero pakiusap lang at Iinglisin ko na: Do not justify your actions at this point because it makes you look pathetic.

Trabaho lang okay? Iyon lang. Hindi ko pananagutan ang reaksyon ng ibang tao. Maraming pelikulang naisagawa. Dalawa lang ang tanong lagi: Tumabo ba ito nilangaw?

Kasihan nawa kayo ng Poong Kabunian

***

Mga Harbat Sa Lambat: “A stupid man’s report of what a clever man says can never be accurate, because he unconsciously translates what he hears into something he cannot understand…” –

Bertrand Russell Nobel Laureate

“Teach the children to love their country and you won’t need to send them to ROTC! They will defend HER with everything they have!!!…” – Jaime Fabregas

“How the Philippines keeps criminals off the street: it votes them into office…”- Alan Robles

***

mackoyv@gmail.com

The post TUMABO O NILANGAW? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TUMABO O NILANGAW? TUMABO O NILANGAW? Reviewed by misfitgympal on Agosto 06, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.