Facebook

Sen. Imee at Direk Darryl pinabilib ni Cristine sa Maid In MalacaÑang

Ni NONIE V. NICASIO

IBANG klaseng husay ang mapapanood kay Cristine Reyes sa pelikulang Maid In Malacañang Palabas na ito ngayong August 3 sa 200 cinemas nationwide, to be followed by worldwide screenings.
Mismong dalawa sa nasa likod ng naturang pelikula, sina Direk Darryl Yap at Senator Imee Marcos ay nagpahayag ng pagkabilib kay Cristine sa kanyang pagganap bilang si Sen. Imee.
“Ang totoo medyo naaasar na ako kay Cristine, kasi gayang-gaya niya ako pati yung mga hair flip at iyong pangit na lakad ko. Ang taray-taray niya, nakakaasar… kahawig ko na siya, medyo creepy na siya,” nakatawang saad ni Senator Imee.
Pag-amin naman ni Direk Darryl, “Super-fan na talaga ako ni Cristine dahil sa galing niya sa ginawa naming pelikulang ito. Ibang klase ang ipinakita niya rito.”
Anyway, matagumpay ang ginanap na Red Carpet Premiere nito last July 29 sa SM North Edsa, The Block Cinema.
Isa sa aabangan sa pelikula ang special participation ni Robin Padilla, ang numero unong senador sa nakaraang national elections. Sa ending ng pelikula ay malalaman din ang identity ng three maids na gumanap sa pelikula at kabilang sa mga source ng mga impormasyon na inilahad dito.
Produced by VIVA Films, ito ay isang family drama movie tungkol sa last 72 hours ng mga Marcos sa loob ng palasyo bago lumipad papunta sa Hawaii noong 1986 People Power Revolution.
Panahon na para ang mga Marcos naman ang magkuwento ng totoong mga nangyari sa kanilang pamilya sa mga huling araw nila sa palasyo, kuwentong ngayon pa lang maririnig at malalaman ng lahat.
Kaya naman hindi kataka-taka kung marami na ang nasasabik na mapanood ang Maid In Malacanang. Balita namin at base na rin sa mga nababasa namin sa social media ay nagtatanong ang maraming OFW’s natin kung kailan maipalalabas ang pelikula sa lugar kung saan sila nakadestino o nagtatrabaho.
Bibida sa pelikula ang ilan sa pinakamagagaling at hinahangaang artista sa bansa na sina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez na gaganap bilang sina President Ferdinand Marcos, Sr. at First Lady Imelda Marcos. Tampok din ang premiere stars ng VIVA na sina Cristine, Diego Loyzaga, at Ella Cruz na gaganap naman bilang mga anak- sina Imee, Bongbong at Irene. Kasama rin sa pelikula sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, at Beverly Salviejo.
Incidentally, dapat saluduhan ang ginawa ng cast and crew ng Maid in Malacañang nang nag-donate sila ng budget for the catering sa premiere night nito worth P500,000 para itulong sa mga mamamayan ng Ilocandia at Abra na tinamaan ng nakaraang malakas na lindol.
“We hope viewers will understand the simple opening night of our film. Enough for me and my family to show our side of the story and history. It is more important now that we help our countrymen affected by the earthquake,” saad ni Senator Imee.

The post Sen. Imee at Direk Darryl pinabilib ni Cristine sa Maid In MalacaÑang appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Imee at Direk Darryl pinabilib ni Cristine sa Maid In MalacaÑang Sen. Imee at Direk Darryl pinabilib ni Cristine sa Maid In MalacaÑang Reviewed by misfitgympal on Agosto 02, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.